Hindi naging madali para sa amin ang mangalap ng karagdagang documentary evidence laban sa DB Global Opportunities a.k.a. Balikatan o BFS na bumiktima ng 52,289 homeowners sa buong bansa.
Tinatayang P13-Billion ang halaga ng mga ari-ariang binawi mula sa mga homeowners na hindi nakapaghuhulog ng kanilang montrhly amortization sa National Home Mortgage Finance Corp ang isinubasta ng Balikatan.
Ito rin ang Balikatan, isang private entity, ang sabay na isinailalim noon sa imbestigasyon ng House of Representatives at ng Senate, ngunit sabay ding natigil ang hearing nila at wala ring inilabas na resolution o resulta ang magkabilang panig sa isinagawa nilang imbestigasyon.
Batay sa mga nakalap naming impormasyon ay lumutang ang mga pangalan ng sangkot sa pangangamkam ng mga properties:
1. Federico Y. Cadiz, Jr. - President, DB Global Opportunities, alias BALIKATAN or BFS
Head Office: 24th Floor, BPI Buendia Center, Sen. Gil J. Puyat Ave., Makati City
Satellite: 418 4/F D&I Bldg., EDSA 086 Caloocan City, Metro Manila
2. Original housing loans were with the National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC)
Joseph Peter Sison - Former NHMFC President and BHFI Director. Disposition strategy was
cooked up by the NHMFC with the blessings of:
3. Former President Gloria Arroyo
4. Former Vice President & HUDCC head Noli de Castro
5. Former NEDA Director-General Augusto Santos
TCT No. -599677- was foreclosed and sold to the highest bidder, BALIKATAN, on July 22, 2010.
6. The Sheriff, RTC-Antipolo
7. Marilyn P. Pasay - Taytay Municipal Treasurer
8. Concepcion R. Viray - Taytay Municipal Assessor
9. Federico M. Cas, Registrar, Register of Deeds - Binangonan
10. Atty. Hilarion Cerna Mogello, Jr., Deputy Register of Deeds - Binangonan
ANA: "Oy 'lamo 'ga, merong dumating na registered mail kay Sir Leo from Atty. Remarque L. Ravanzo of LRA para sa Notice of Hearing re: Consulta No. 5403 noong March 13, 2013, by order of the Honorable Administrator Eulalio C. Diaz III"
LISA: "Oo nga, pero 'yung scheduled hearing eh dated March 12, 2013 at 2:00 pm at the Land Registration Authority, East Avenue cor. NIA Road, Quezon City (Room 402, Law Division). Huli na nang dumating 'yung notice, o, 'di ba?"
CION: "Pero bago dumating 'yung Notice of Hearing eh meron pang naunang tinanggap na registered mail na nagmula rin sa Office of the Administrator si Sir Leo, at pirmado naman ni Atty. Sarah Lyn D. Manzanal. Copy Furnished sina DOJ Dir IV Atty. Maria Charina Buena-Dy Po at Atty. Emmanuel Leonardo, Office of the Register of Deeds, Binangonan, Rizal Province."
No comments:
Post a Comment