Wednesday, May 22, 2013

"BULLIES IN OUR BACKYARD"

ANA: "Hindi ko maintindihan ang sinabi ni PNoy. Saan ba kasi makikita ang backyard, 'di ba nasa loob 'yon ng bakuran?"

LISA: "Ay, ambopols mo 'ga. Ang sinasabi ni PNoy eh 'yung (pambabaraso) ng Taiwan sa Pinas na humingi raw ng TAWAD si PNoy sa kanilang gov't porke tinigok daw ng ating Coast Guard ang isang mangingisda nila sa gitna ng laot pero nasa loob ng ating teritoryo (read: bakuran), o, getz mo?"

CION: "Kung sakaling pinasok ka (ang Pilipinas) ng kapitbahay mo (Taiwan) at nahuli mo sa aktong nagnanakaw kaya nabaril at napatay mo siya, eh dapat lang na magsagawa ng masusing imbistigasyon sa insidente. Hindi kailangang humingi ng tawad ang may-ari (PNoy) ng bahay sa pamilya ng napatay na magnanakaw, mismo!!!"

No comments:

Post a Comment