Wednesday, May 15, 2013

FAST FORWARD

ANA: "Ay, 'di ba parang adelantado naman ang komento ni CDQ, porke 'di pa naipoproklama  ang 12 senators elect, eh tinatalakay na niya ang 2016 presidential derby between Veep Nognog vs Mar Roxas?"

LISA: "Adelantado? You mean, ahead of time? Dastrutruli (read: TOTOO). Kasi, ang tinutumbok ng patutsada ni CDQ tungkol sa body languages nina Binay at Roxas re: 2016 presidential election, eh kapwa sila'y naggigirian ngayon pa lang, o, 'di ba?"

LISA: "Tumpak ka 'day. Pero sino man kina Binay at Roxas na kapwa kakandidatong presidente sa 2016, eh hindi nila kayang ipagpatuloy na tumahak sa tuwid-na-daan ni PNoy, peksman. So, siguro eh mag-plebiscite na lang para maalis ang political term limit upang si PNoy na rin mismo ang patuloy na magpapatupad sa kanyang tuwid-na-daan, oke?"

No comments:

Post a Comment