Sunday, May 12, 2013

KILATIS

ANA: "Kung wise voter ka, eh dapat kilatisin mong maige ang mga kandidato bago mo sila iboto. Halimbawa sa mga senatoriables, the character of a candidate who has a record of being reasonable and honest, 'gaya nina Riza Hontiveros at Jun Magsaysay na kapwa nangungunyapit sa 12th slot, eh sila ang dapat iboto mo, mismo!!!"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga. Huwag sayangin ang boto sa agos ng diluted opinion ng survey porke, bakit sa mas mataas na level pa inilalagay ang rating ng inexperience candidates kumpara sa magagaling at walang bahid sa korapsiyong mga kandidato, 'gaya nina Hontiveros at Magsaysay, o, 'di ba?"

CION: "Sabi nga ng GMA-7 dapat tama! Hindi porke kasama sa top-9 ng bayarang survey firm ang ilang korap na kandidato eh siya mo ring lahat iboboto sa halip na 'yung nasa tail ender na matitino't dating lawmakers 'gaya nina Hontiveros at Magsaysay. Gamitin mo ng TAMA ang kapangyarihan mo bilang botante para umunlad ang Pilipinas."

No comments:

Post a Comment