Thursday, May 16, 2013

CHIEF PNP DEFENDS CAVITE COPS

ANA: "Posible kaya na merong ala-Ampatuan arsenal si Sen Bong Revilla sa loob ng kanyang mansion?"

LISA: "Ay, nakakata-cute naman, noh? Kasi, parang pinagsasabong ni Sen Bong ang Dept of Justice at ang DILG sa pamamagitan ng NBI at PNP, o, 'di ba?"

CION: "Pero ang talagang isyu rito eh ang umano'y 20 bogus na NBI agents na pawang armado at nakitang nagsipasok at nagtatago raw hanggang ngayon sa loob ng mansion ni Sen Bong. Kung ano ang misyon nila, election related or not, eh 'yun lang naman daw ang gustong alamin ng PNP, o, intiende?"   

No comments:

Post a Comment