Thursday, June 27, 2013

CONDOS FOR THE SQUATTERS? WHY NOT?

ANA: "Ang gusto kasing ipaliwanag ni Neal Cruz eh gumawa ang gov't ng Tenement Building para sa mga squatter, 'di ba Bos Neal? Ang tenement building, ayon sa dictionary - 1. a large slum house divided into rooms or flats for rent. 2. a dwelling place or residence, esp. one intended for rent. 3. a room or flat for rent."

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. 'Yung tenement building nga sa Sta. Ana, Mla eh itinayo no'ng panahon pa ni Presidente Dadong Macapagal at ginagamit pa hanggang sa ngayon. Hindi pa uso ang condo-condo para sa mga rich-rich pero meron nang tenement housing  na PAUPAHAN para sa mahihirap noon pang early 1960's, o, 'di ba?"

CION: "Kung gagawa ng modernong tenement building ang gov't para ma-accomodate ang lahat ng squatters sa MM upang 'di na sila itapon daw sa mga probinsiya, eh mag-design ang DPWH at MMDA ng FLOATING tenement building na hindi lumulubog sa baha. Gawing modelo ang mga building structure sa Netherlands na nakatayo at nakalutang sa mga swampland."
 

No comments:

Post a Comment