Monday, June 3, 2013

DEER CAUGHT IN THE HEADLIGHTS

Noong 15th Congress ay hindi maikakailang naglustay mula sa kaban ng bayan ang mag-asawang Gloria at Mike habang sila'y nasa kapangyarihan.

Sa sektor ng pabahay ay gumawa ng disenyo ang Gloria Administration laban sa 52,289 homeowners sa buong bansa ng DISPOSITION STRATEGY upang bawiin mula sa kanila ang mga tinitirhang lupa't bahay sa mga subdivision na umano'y merong high-delinquency mortgage loans sa halagang mahigit P13 BILLION !!!

Kabilang ako sa 52,289 homeowners nationwide ang ISINUBASTA ang kanilang properties ng hindi nila alam, ng BD Global Opportunities a.k.a. BALIKATAN, kakutsaba ang National Home Mortgage Finance Corp, isang GOCC, with the blessings of former NEDA Director-General Augusto Santos, former President Gloria Arroyo and former Vice President and HUDCC head Noli de Castro.

Sa kasalukuyan ay meron nang hearings na isinasagawa ang NBI sa kasong ito at pinadalhan na ng kaukulang subpoena ang mga sangkot sa a la Delfin Lee syndicate na ito.

ANA: "Naku, bakit tila ginagapang ng Balikatan ang mga kakutsaba nito sa sindikato, partikular ang RTC at ang Register of Deeds? Ano ang ibinubulong, hhmm? Si Ate Glo kaya, binulungan din?"

LISA: "No'ng unang hearing sa NBI eh hindi sumipot ang principal suspect na si Balikatan President Federico Cadiz, Jr. kasi, battery of lawyers lang ang kanyang pinadala AFTER the hearing at nakaalis na si Sir Leo. Bakit?"

CION: "Bukod kasi kina Ate Glo, Santos at De Castro, eh, ang daming masasangkot na malalaking pangalan sa kasong ito, 'gaya ni former NHMFC Pres Joseph Peter Sison, ang Sheriff ng Antipolo RTC, ang RD-Binangonan, at ang LRA, biro mo 'yon?"









   

No comments:

Post a Comment