Sunday, June 9, 2013

SUNSET IN A BLAZE OF GLORY

Dumating na rin marahil ang takdang panahon para manguluntoy ang blaze-of-glory ni JPE porke madamdaming sinisi niya sina Senators Alan at Miriam ang dahilan umano sa pagka-bokya ni Jack sa senatorial race.

Sabi nga ni CDQ sa kanyang column sa PDI, si JPE ang nagsilbing aso o arkitekto ni FM sa implementasyon ng martial law sa Pilipinas sa pamamagitan ng Arrest, Search & Seizure Order.

Kabilang ang pamangkin ko sa 21 miembro ng League of Filipino Students (LFS) na dinampot noon sa UP sa bisa ng ASSO ni FM at kinalaboso lahat silang 21 sa Crame ng MISG.

Dahil sa maagap na sulat-pagsusumamo ng aking Ate na personal kong dinala kay JPE, ay pinakawalan ang pamangkin ko kasama ang isa pa mula sa kulungan ng MISG sa Crame, bago sila nakatakda at kasama sanang ILILIPAT sa Camp Bicutan sa Taguig.

ANA: "So, ano ang sumunod na nangyari matapos makalabas ang pamangkin ni Sir Leo mula sa kulungan ng MISG kasabay ng isa pa, ha?"

LISA: "Inilipat DAW ang 19 LFS sa Camp Bicutan, Taguig kinagabihan, pero, hanggang sa kasalukuyang panahon eh HINDI pa rin sila nakakarating doon. Ay, sumalangit nawa!!!"

CION: "Oy 'lamobang isa nang mayor ngayon ang pamangkin ni Sir Leo na masuerteng pinalabas ni JPE mula sa detention cell ng Metrocom Intelligence & Security Group ni FM?"





No comments:

Post a Comment