Batay sa Legal Dictionary compiled by M. H. Guandolo, the legal meaning of the word DEROGATION is SUBSTANTIAL CHANGE.
Tinanggihan ng Register of Deeds-Binangonan ang aking Petition for registration of Adverse Claim ng aking property ayon sa isinasaad ng Section 70, P.D. 1529, dahilan upang idulog ko ito sa NBI at alamin ang ligalisasyon ng kanilang denial na mairehistro ang nasabing Petition.
Ibinase ng RD-Binangonan ang kanilang denial sa Petition, viz: ". . the Supreme Court held that an adverse claim of ownership based upon prescription and adverse possession cannot be registered inasmuch as under Section 47 of P.D. 1529 no title in derogation (to that) of the registered owner may be acquired by prescription or adverse possession." (emphases supplied)
Ang registered owner ng aking property ay pinaniniwalaan naming isang fictitious na tao porke hindi kailan man namin nakaharap sa nakalipas na mahigit 10-taon, kaya imposible talagang malalaman ng RD-Binangonan kung meron ngang DEROGATION sa katauhan nito kung totoong tao nga siya.
Samantala, narito ang tama at exact wordings ng Section 47 of P.D. 1529 - "No title to register land IN DEROGATION OF THE TITLE of the registered owner shall be acquired by prescription or adverse possession." (all caps mine)
Ang sukat ng aking property ay 65 sq.m. at kinatitirikan ng aming bahay mula pa ng tinirhan namin ito by adverse possession ng aking pamilya taong Enero 2000, ay WALANG MALAKING PAGBABAGO (derogation) ito porke 65 sq.m. pa rin ang sukat ng lote hanggang sa kasalukuyan.
ANA: "Alin ba kasi ang dapat merong substantial change o malaking pagbabago para hindi payagan ng Register of Deeds na irehistro ang Petition for Adverse Claim, ang hitsura ng registered owner o ang sukat ng property?"
LISA: "Kung ibabase sa naging desisyon ng RD sa kaso ng Adverse Claim ni Sir Leo, eh, TINANGGIHANG irehistro ng RD ang Adverse Claim ni Sir Leo dahil merong substantial change umano sa katauhan ng fictitious registered owner porke naging INVISIBLE siya! Gano'n?"
CION: "Misleading ang pinagbasehan ng denial sa adverse claim ni Sir Leo porke fabricated at palusot lang ng RD ang ginamit nitong wordings ng Section 47 dahil hindi derogation of registered OWNER, kundi derogation of TITLE ang ibig-sabihin ng tunay at tamang wordings ng Section 47, P.D. 1529. Mismo!!!"
E-mailed For: HIS EXCELLENCY BENIGNO S. AQUINO III
Forwarded To: DOJ Secretary Leila de Lima and NBI Director Nonnatus Caesar Rojas
No comments:
Post a Comment