ANA: "Kung totoong magbibigay ng libreng abogado para ma-resolve ang mga kaso ng inmates sa MCJ, aba'y bibilib ako ng todo-todo kay Erap, sumpaman."
LISA: "Depende kung magkano ang budget na ihahatag ni Erap para sa mga de-kalembang na abogado, kasi, sa sariling bulsa niya manggagaling ang bayad para sa defense lawyers ng 3,224 inmates sa MCJ. Biruin mo 'yon?"
CION: "Eh, napagdusahan na ni Erap ang sentence niya sa kasong plunder, 'di ba? So, puede na niyang ilabas ang taksan-taksang datung na nakaimbak, kung saan eh siya lang ang nakakaalam, para ipambayad sa libreng abogado ng mga inmates. Calling-calling, mga attorney-no-case, apply na kay Erap!!!"
No comments:
Post a Comment