Friday, June 21, 2013

FLOATING HOMES

ANA: "Sa aking sariling ANALISACION eh halos buong Luzon, Visayas at Mindanao na ang grabeng binabaha at umaabot pa hanggang dalawang metro ang taas ng ragasa ng tubig. Sobrang nakakata-cute. Ano kaya ang magagawa ng gov't, ha?"

LISA: "Meron! Batay sa Genesis 6:14, sinabi ng God kay Noah - (Build a boat for yourself out of good timber, make rooms in it and cover it with tar inside and out.) - Hindi naman civil engineer si Noah pero nagawa niya ang utos sa kanya ni God kaya nakaligtas siya sa baha kasama ang buong pamilya niya at alagang mga hayup, o, 'di ba?"

CION: "Korek ka r'yan 'day. Kayang-kaya na mag-imbento nang ating Pilipino engineers ng floating homes a la barkong RORO for the informal settlers. 'Yung sukat na isang ektaryang lupa, por eksampol, eh puedeng latagan ng flooring na lulutang sa tubig-baha at doon itatayo ang floating community ng mga informal settlers. Perfect, 'di ba?"

No comments:

Post a Comment