Tuesday, June 25, 2013

ONLI IN DA PILIPINS

ANA: "Bago pa ibaba noon ni FM ang martial law eh mahilig na sa mga big bikes si Sir Leo, 'di ba? Meron na bang counterflow sa EDSA no'n?"

LISA: "Wala! Abaniko, meron. Ang abaniko eh 'gaya ng paglusot kaliwa't-kanan ng riding-in-tandem (rider with his chix) sa mga de-otsong tsekot na humahagibis sa EDSA. Ang tawag ng mga riders sa a la abanikong lusutan sa traffic eh lata-lata. O, getz mo?"

CION: "Iba ang sitwasyon mula pre-martial law hanggang sa panahon ng martial law, kasi, ang mga big bike riding-in-tandem noon eh humaharurot silang lata-lata sa buong kahabaan ng EDSA na bonnet lang ang suot sa ulo. Pero ang importante, 'yung mga antigong riders eh merong GMRC sa batas trapiko, hindi tulad ng mga riding-in-tandem ngayon, naka-fullface helmet pero walang plaka ang bike!"  

No comments:

Post a Comment