Sunday, April 5, 2015

ANTONIO CARDINAL TAGLE CALLS ON NOGNOG: DON'T STEAL

ANA: "Tatalab pa kaya sa LIVID (nangingitim sa kurikong) na mukha ni Nognog ang payo ni Cardinal Anton sa kanya? ECCENTRIC (kataka-taka) kase ang pagpunta ni Nognog sa Mt Banahaw no'ng Holy Week, kasama ang kanyang clique na BINAYaran,  para lang magMANO sa isang highpriest ng isang kulto na kinober pa mandin ng ac/dc media, o, ha!"

LISA: "Eh siempre, medyo KIKIrot ang puso ni Cardinal Anton, noh! Bakit kase sa isang kulto LANG magbibigay ng kanyang limpak-limpak na ABULOY si Nognog, sa halip na sa simbahang Katoliko-liko na super-yaman pero HINDI naman nagbabayad ng TAXES, o, di ba? Kaya nga nagpalipad-hangin ang Cardinal at pinaalalahanan GRUFFLY si Nognog - (Don't steal!) - o, 'di ba?"

CION: "Pero, 'wag nang magtaka si Cardinal Anton sa SKIT ni Nognog porke kahit nga hindi kristiyano, 'gaya ng mga MORO, eh nagpapakitang-gilas si Nognog bilang isang SANCTIMONIOUS (nagbabanal-banalan) para magparami ng kanyang BOBOtantes. Hay, juice koh, 'wag naman sanang malustay ang kaban-ng-bayan na kinulimbat ni Nognog para pambili ng boto. Dalhin si Nognog sa CALABOOSE, pronto!!!"

No comments:

Post a Comment