ANA: "Ako eh talagang namamangha sa tapang na ipinamamalas ngayon ng PDI para TULIGSAIN ang tila baga namumuong pagsang-ayon DIN ng SC sa aksiyon ng CA pabor ke UBER (superman) Makati meyor Dayunyor. Dahil kaya ito sa P50 MILLION SUHOL na itinapal kuno ni Nognog, ayon ke Sen Trillanes, kina CA 6th Div jusTIIS Reyes at Acosta? Precisely, upang SAGKAAN daw ang kapangyarihan ng OMB re Sec 14, RA No 6770 na unang ISINAMPAL (suspension order) vs Dayunyor as meyor ng Makati! Eh, meron din kayang suhol na itinapal ni Nognog sa SC na HINDI-ALAM ni Sen Trillanes?"
LISA: "Ay, naku 'ga, 'wag na 'wag kang mag-speculate noh! Wala naman kasing bahid-dungis ang SC sa pamumuno ni CJ Lourdes Sereno na tumatanggap din sila ng SUHOL, mula no'ng masibak si ex-CJ Rene Corona, o,'di ba? Kaya lang, ang napansin ng PDI eh bakit tila DAW YATA masugid ang paglilihis ni SC jusTIIS Briterbo Veloso, porke a la STANTOR (napakalakas-na-boses) pa nitong pagtatanggol ke meyor Dayunyor para supposed to be ELIXIR (indefinite) na meyor siya ng Makati sa pamamagitan ng Aguinaldo doctrine na ipinag-wawagwagan ni jusTIIS Veloso! Anong say kaya ng BILAS KO, hhmmm?"
CION: "Oke, napakinggan ko 'yang mga argumento n'yo 'day. Ang OMB's power to suspend kase, is supposed to be a constitutional power! Samantala, nagbigay ng kanyang proposal si CJ Sereno noong nakalipas na Baguio hearing - to discard the doctrine of CONDONATION - taliwas sa posisyon ni jusTIIS Veloso para manatiling meyor ng Makati si Dayunyor. Para sa tuloy-tuloy na daloy ng SUHOL mula ke Nognog? Well, nakaantabay ang publiko sa hearing bukas, April 21, 2015 sa Baguio City. Stay tuned para marinig ng publiko ang REBUTTAL (pagpapabulaan) sa panig ni Dayunyor re condonation case."
No comments:
Post a Comment