Monday, April 13, 2015

TRILLANES: BINAY WOULD STEAL FROM ALL KINDS OF PEOPLE

IN THE EYES OF NOGNOG, ALL FILIPINOS ARE EQUAL AND HE DOES NOT DISCRIMINATE, WHETHER YOU ARE RICH OR POOR, HE WILL NOT HESITATE TO STEAL FROM YOU - SEN SONNY TRILLANES

Ni: Leo Paras

Ilang panahon ding itinago ang tunay na motibo ni Nognog kung bakit ipinakulong nito si Delfin Lee. Si Delfin Lee, isang housing developer, eh  sinampahan ng inimbentong kaso ng syndicated estafa na walang piyansa, ng Pag-Ibig Fund sa utos ni VP at HUDCC chairman Nognog, makalipas niyang manalo bilang pangalawang panggulo no'ng 2010, dahil tumanggi umanong madugasan (extort) si Delfin ni Nognog ng halagang P200 MILLION suhol!

Ang pagtangging bumigay si Delfin sa pangingikil ni Nognog ng P200 M, at pagtanggi din nitong sampahan ng kaso si ex-VP at Kabayan Noli de Castro, ang nagbunsod upang isambulat ni Delfin habang siya'y nasa kalaboso, sa pamamagitan ng kanyang abogado, ang aktibidades na'to laban sa kanya ni Nognog sa Senate Blue Ribbon Sub-Committee (BRsC) no'ng Lunes, 13 April 2015, sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, in-aid of legislation, vs Nognog, sa walang katapusan nitong pandarambong mula pa ng siya ang OIC ng Makati, 30 years ago.

Ang kasong ibinibintang ni Nognog vs Delfin eh kahalintulad din ng aming kaso na NAKABINBIN hanggang sa ngayon sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) na nasa ilalim din ng chairmanship ni Nognog. Matagal nang PASO ang reglamentary period upang mag-isyu ng Decision ang HLURB makalipas na kami eh magsumite ng POSITION PAPER at DRAFT DECISION, batay sa isinasaad ng Section 41, Rule 11 ng HLURB Adm. Order No. 2, Series of 2011, samantalang ginagapang ng aming kalabang sindikato (ke Nognog?) para IBASURA at ipawalang-bisa ng HLURB ang naturang kaso!

Mismong BIKTIMA kami, kaya pinaimbestigahan namin sa National Bureau of Investigation (NBI) sa ilalim ng NCR ang kasong ito mula pa no'ng December 11, 2012 laban sa sindikato (RD-Binangonan, RTC-Antipolo, Taytay Municipal Treasurer and Municipal Assessor, at, BALIKATAN, INC. aka BFI), pero hanggang sa sumandaling ito ay nakabinbin pa rin at HINDI UMUUSAD sa NBI ang imbestigasyon. Bakit?

Nakabinbin din (archive) hanggang sa ngayon ang imbestigasyon ng Committee on Housing and Urban Development ng House of Representatives, re: Foreclosure of low-cost housing units probe, no'ng 11 June 2008, as per House Resolution 604 filed by Speaker Prospero Nograles, para sa proteksiyon ng mahigit 52,000 homeowners na puwersahan PINALAYAS at patuloy na PINALALAYAS hanggang sa ngayon ng Balikatan aka BFS, mula sa kanilang biniling mga housing units sa buong Pilipinas na tinatayang nagkakahalaga ng P13 BILLION! So, anong koneksiyon ng aming kaso sa kaso ni Delfin Lee?

Si Delfin Lee, batay sa kanyang pahayag kahapon sa BRsC sa pamamagitan ng kanyang abogado, eh PUMALAG para gawin siyang PALABIGASAN ni Nognog upang maipagpatuloy ni Delfin ang lehitimo nitong negosyo na housing developer. Meron kaming SAPANTAHA na baka ganito rin ang gustong ipairal na KONDISYON ni Nognog vs Balikatan-BFS President Federico Cadiz, Jr, at posibleng SUMANG-AYON naman ito, kaya hanggang sa ngayon eh PATULOY ang double-selling ng low-cost housing units sa buong Phl ng sindikato, with the blessings ALSO of former NEDA Dir Gen Augusto Santos, ex-Pres Ate Glo, ex-VP and HUDCC Head Noli de Castro?

Noong December 12, 2014 eh nag-file kami ng LETTER-COMPLAINT direkta ke Omb Conchita Morales at makalipas ang 3-buwan eh tinanggap namin ang kasagutan ng OMB sa pamamagitan ng koreo noong March 19, 2015:

"1st INDORSEMENT IC-OL-14-2023, 13 March 2015. Respectfully indorsed for appropriate action to ATTY. JOSE MIDAS P. MARQUEZ, Court Administrator, Office of the Court Administrator (OCA), Supreme Court of the Philippines, Padre Faura St, cor. Taft Ave., Ermita, Manila, the herein Complaint-Affidavit of Laoag A. Paras against Maria Teresa S. Leis, Sheriff, RTC Branch 98, Taytay, Rizal."

PANGINOONG HESUS, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN. AMEN.

    



No comments:

Post a Comment