Saturday, April 11, 2015

OMBUDSMAN VERSUS MAKATI MAYOR DAYUNYOR

ANA: "Sa kolum ni ex-CJ Temyong Mapanganib, para sa'ken eh lalong LUMABO ang pang-unawa ng Pinoy sa kanyang paliwanag re sa GUMIGIMBAL ngayong isyu: Omb vs Dayunyor. Kase, nagmistulang singer-na-bumibirit si ex-CJ Mapanganib porke ang paLAGAY (posit) kuno ni Dayunyor sa sarile eh CONDONED (napatawad) na siya sa kanyang PANDARAMBONG mula sa kaban-ng-bayan no'ng unang term nito bilang meyor ng Makati?"

LISA: "Uh-unga 'ga. 'Yan daw ang gagamitin sa oral argument sa SC bukas sa Baguio City ni aTONGni Klaring Cerbeza vs OMB - (Dayunyor cannot be removed for administrative misconduct committed during a prior term. His reelection to office operates as a condonation of his previous misconduct), at ito nga rin ang assumption (paLAGAY) ni ex-CJ Mapanganib sa kanyang kolum ngayong araw! Asusmaryopes, MAGKANO???"

CION: "Bakit 'day, sa paLAGAY mo kaya eh merong pakinabang si ex-CJ Mapanganib mula ke Nognog re: pagbibigay niya ng kanyang OPINYON para malabusaw ang ibababang desisyon ng SC at magmukhang MALI ang suspension order na pinalabas ng OMB against Dayunyor? Sa halip na maKONDENADO eh baka mako-condone (forgive) ng SC si Dayunyor? Sa palagay ko eh HINDI naman SARABAGTIT si CJ Sereno para bigyang HALAGA ang mga pautot ni ex-CJ Mapanganib, peksman!!!"  

No comments:

Post a Comment