Wednesday, April 22, 2015

DEPRAVITY IN THE JUDICIARY

DEPRAVITY IN THE JUDICIARY

ANA: "Naku, MAELSTROM (turbulent confusion) ngayong pinag-uusapan, in whispers among lawyers, 'yung PINASABOG ni dating navy officer at ngayo'y senador Sonny Trillanes. Eh kase, nag-RICOCHET (tumilamsik) sa CA 6th Div ang shrapnel at matinding napuruhan sina jusTIIS Reyes at Acosta dahil sa pagtanggap DAW nila ng P50 M SUHOL, para sila'y mag-isyu ng TRO laban sa suspension order ng OMB vs Dayunyor. Masinsin ang tama ng shrapnel, kase, buong Judiciary ang DINUDUGO ngayon!!!"

LISA: "Well, ang makakapagSALBA lang, sa palagay ko, para maEXCULPATE sa malaking kahihiyan ang buong Judiciary, eh mag-leave of absence muna sina Reyes at Acosta habang dinidinig ng SC at lumabas ang katotohanang sinuhulan nga sila ni Nognog, o, 'di ba? Ang nakataya kasi sa kasong ito nina jusTIIS Reyes at Acosta, kung hindi sila magkukusang bumaba muna sa kanilang posisyon, eh MAHUHUBARAN-ng-piring at MAGAGAHASA si Lady Justice habang hawak ang kanyang timbangan! Anong say n'yo, The Firm???"

CION: "Korek ka r'yan 'day, malake ang tama mo! Hindi naman kase makasasagot sa tanong ng media, re isyu ng TRO na kargado ng P50 M SUHOL na inilabas nina CA jusTIIS Reyes at Acosta pabor ke Dayunyor, habang sila'y patuloy na nakasalampak sa kanilang trono, dahil tiyak na maghihinala ang publiko na sila'y BLITHERING (talking foolishly) lamang. Otherwise, t'yak na masasaid ang P50 M suhol na tinanggap nila, kase, susuhulan din nila ang ac/dc media na magsisilbing mga aboGAGO nila, o, 'di ba???"

No comments:

Post a Comment