Thursday, April 9, 2015

BIG GUNS, BIG GOONS

ANA: "Isang uri ng OMINOUS (pagbaBANTA) ang ginawang PAUTOT ngayon ni Nognog para tangkaing ILIGWAK din sana ng SC ang kaso ni Dayunyor, at iKLARO (confirm) nito ang naunang desisyon ng CA pabor ke Dayunyor, eh tama ba? Sa aking paniniwala, kitang-kita naman na PROMISCUOUS (halo-halo at magulo) ang inaasal ngayon ng Nognog clique sa pangunguna ni aTONGni Klaro Cerbeza, peksman!"

LISA: "Uh-unga 'ga, 'kita ko rin 'yan! Sino-sino ba kase ang sinasabing BIG GUNS dito ni PDI Reporter Tara Quismundo, ha? 'Sing-lakas kaya ito ng mga inimbentong barret rifles ng MILF-gunsmiths na made-in-Mamasapano? Pero ang tingin ko sa bawat mukha ng mga bodyguards ni Nognog, kasama siempre ang mga aboGAGO, eh PACHYDERMATOUS (thick-skinned mammal) lahat sila dahil sa paldo-paldong SUHOL na regular na tinatanggap nila mula ke Nognog, o,'di ba?"

CION: "Saan mo ba kinakalkal 'yang mga vocabularies mo, eh, 'di naman tatalab (IMPERVIOUS) talaga 'yan sa mga pinatutungkulan mo, unang-UNA na ke Nognog, noh! Basta ako, ang paniniwala ko sa ginagawang pautot ni Nognog sa publiko, gamit ang ac/dc media, eh, para saklolohan si Dayunyor at sinusubukang TAKUTIN din ang SC sa pamamagitan ng BIG GOONS! Samantala, habang NALILIBANG ang publiko sa kasong ito vs dinastiya ni Nognog, eh unti-unti ring SINASAKOP ng Tsekwa ang PHL!!!

No comments:

Post a Comment