Friday, April 10, 2015

WINNIE MONSOD: IT LOOKS LIKE THE SC WILL ALSO FAVOR THE BINAYS

ANA: "Isang ALLEGORY (talinghaga) lang ba ang tinuran ni Mareng Winnie: (It looks like the high court will also favor the Binays)? I understand, nasa ilalim ng SC (Judicial Branch) ang CA, samantalang independent body naman ang OMB. Therefore, mas papanigan siempre ng SC ang CA, 'di ba? 'Yung COMPLICITY (sabwatan) kase ng 3 CA jusTIIS sa pag-isyu ng TRO pabor ke Dayunyor eh 'di masyadong NILIBAK ni Mareng Winnie vs 3 impervious CA jusTIIS! Bakit?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Pero sa palagay ke eh PALIPAD-HANGIN (psy-war) lang 'to ni Mareng Winnie sa mga SC justices sa pangunguna ni CJ Sereno, I HOPE! Kase, ISINAMBULAT ni Mareng Winnie sa publiko ang nilalaman ng RA 6770 passed in 1989 - Sec 14 and Sec 24(a), (b) & (c) na pawang BULL'S EYE ang tama ke Dayunyor! Naturalmente, ang SUSUKATIN ng SC sa psy-war na pinasingaw mismo ni Mareng Winnie, eh ang REAKSIYON mula sa publiko, hindi reaksiyon ng FALSE ACIA, o, ha!!!"

CION: "Kung hindi man NILAIT ni Mareng Winnie ang 3 CA jusTIIS sa kanilang tahasang PAGBALUKTOT sa batas dahil-sa-SUHOL, sila naman ngayong tatlo, sa palagay namin, eh ginigiyagis na ng kanilang kosensiya! Masindak sila sa ngitngit ng taong-bayan vs buong BINAYaran dynasty dahil isasamang sigurado ang 3 CA jusTIIS na nahawa na rin sa pagiging PACHYDERMATOUS (thick-skinned mammal) ng dinastiya ni Nognog! Palpak ang AREG LAW (areglo) n'yong 3, mga UNGAS!!!"

No comments:

Post a Comment