Sunday, December 30, 2012

REPUBLIC ACT 7183

ANA: "Uy, lamoba? Mismong si PNoy ang direktang nag-utos kay Chief PNP na ARESTOHIN ang lahat ng nagbebenta at gumagamit (nagpapaputok) ng ipinagbabawal na klase ng mga rebentador. Masusunod kaya ang utos na 'to ni PNoy?"

LISA: "Matagal nang batas 'yang RA 7183 pero ngayon lang, kung saka-sakali, magkakaroon ng implementasyon na ipatigil nang LUBUSAN ang bawal na paputok. 'Yan naman eh kung HINDI tatanggap ng LAGAY ang bagong hepe ng PNP, o, 'di ba?"

CION: "Nakana mo 'day. Pero 'wag lang rebentador sana ang pagtuunan ng RA 7183. Isama na rin na IPATIGIL ang ingay ng tambutso ng mga motorsiklo. Hulihin at pagmultahin din ang mga nagmamaneho ng motorcycle na naka-OPEN MUFFLER Happy New 2013 to all !!!" 

"BANNED NA PALA TAYO, BAWAL NANG MANGOPYA"

ANA: "Sino ba ang nagbawal kina Tito Sen at Willy Nep na mangopya? Kasi, 'di naman sinabi ni CDQ kung CBCP o SC ang nagbabawal eh. Pero sure ako, sasabihin na naman ni Toby Tiangco na isa itong POLITICAL HARASSMENT, o, 'di ba?"

LISA: "Ay, ambopols mo. Ano naman ang kinalaman ng political harassment sa plagiarizing DAW nina Tito Sen at Willy Nep, noh?"

CION: "Ang tamang term d'yan sa palagay no eh, POLITICALLY MOTIVATED. 'Yan din kasi ang dahilan kung bakit nakaambang matengga sa kanilang puwesto sina Gob Gwen ng Cebu at Gob Amado ng Pangasinan, o, getz n'yo?"  

Thursday, December 27, 2012

POLITICAL BUTTERFLIES

ANA: "Hindi ba merong 2-party system ang Phl 'gaya ng US bago ibaba ni Strongman Ferdie Marcos ang martial law noong 1972? Batay sa history, ito'y ang mga partido Liberal (LP) at partido Nacionalista (NP), o, 'di ba?"

LISA: "May tama ka r'yan 'ga. Kaya nagkahetot-hetot ang politika rito sa Phl eh ginawang multi-party system ni FM at itinatag nito ang sariling partido, ang Kalipunan ng Bagong Lipunan (KBL) kaya nagresulta ito ng multiplication ng mga political parties!"

CION: "Kaya tuwing sasapit ang eleksiyon eh muling nauuso ang mga PUTAHENG balimbing, political harassment, political butterflies bilang pakulo o depensa sa mga akusasyon ng magkakalabang partido. Sige pagparti-partihan n'yo ang nilulutong PUTAhe, cooking-ina n'yo!!!"

Wednesday, December 26, 2012

SWORD OF DAMOCLES

ANA: "Saan ba ginagamit ni Damocles ang kanyang espada, panggayat ng pulutan?"

LISA: "Anong pulutan ang pinagsasabi r'yan. Ang sword of Damocles eh isang coded-linggo ng Intel community at ng REBELDE sa mga nasa listahan ng kanilang Order of Battle. Para itong DEATH WARRANT porke maglalaho na parang bula ang sino mang nasa listahan, o, getz mo?"

CION: "Ang sword of Damocles eh nagdudulot ng matinding pangamba, agam-agam, takot, hindi lamang sa mismong tao (TARGET) na nasa listahan, kundi maging sa bawat miembro ng pamilya nito. Para itong pendulum na nakatuon sa bumbunan ng SUBJECT o TARGET ang talim ng espada. Ano mang oras eh magagayat siyang animo nasabugan ng paputok - GOODBYE PHL !!!"     

Sunday, December 23, 2012

ORDER OF BATTLE

ANA: "Ang ibig sabihin ba ng Order of Battle eh nanghihingi ng 'sang boteng lambanog?"

LISA: "Hindeee!! Lenguahe ng Intelligence Community ang term na 'yan. Tulad ng TARGET, ibig sabihin eh putative defendant siya, halimbawa, bilang operator ng jueteng, pero wala pang malinaw at direktang ebidensiya laban sa target, getz mo?"

CION: "Ang isang SUBJECT naman eh under investigation base sa hawak na ebidensiya ng Intelligence Agent, samantala, ang WITNESS eh hindi under investigation but is only required to testify or produce documents as a witness to a SUBJECT's or TARGET's conduct. Intiende?" 

Saturday, December 22, 2012

POLITICAL DYNASTY

ANA: "Ano ang ibig sabihin ng English word na dynasty, alam mo ba? Naguguluhan kasi ako sa tigas-ng-ulo ni Gov Gwendolyn eh."

LISA: "Any sequence of powerful leaders of the same family. 'Gaya nga ng nangyayaring KATIGASAN-NG-ULO ng gobernador, nagmana sa katigasan din ng ulo ng kanyang ama na isang member ng house of representaTHIEVES !!!"

CION: "Wala sanang problema kung magkakasunod na uupo sa iisang puesto, pero ang kaso ng angkan ng Garcia, eh sabay-sabay silang nanunungkulan bilang tongressman, gobernador, mayor, etc. Onli enda pilipins !!!"  

Friday, December 21, 2012

SINO SI KITUKIRA?

ANA: "Pupusta ako kung saang lupalop nanggaling itong si KITUKIRA na dinidiktahan ng kagrupo niya sa SC, o, bet?"

LISA: "Tama !!! Nakana mo 'ga !!! Sa OBET nga nanggaling 'yang bu'set na 'yan !!!"

CION: "Ang sabi sa scripture - hindi sa bibig ng tao nanggagaling ang masamang kalooban nito, kundi mula sa inilalabas ng kanyang puwet. - Ang obet eh salitang ilokano na ang ibig sabihin sa tagalog, eh PUWET !!!"

Thursday, December 20, 2012

2 LAWS, 2 GIFTS FOR FILIPINO ADDICTS

ANA: "Anong klaseng batas ba kasi ang SIN TAX na pang-regalo sa mga sugapa, alam mo?"

LISA: "Papatungan ng presyo hanggang alapaap bilang buwis ang binibili mong sigarilyo't alak para mabawasan ang pagka-sugapa mo sa bisyo, o, getz mo?"

CION: "Korek ka r'yan 'day. Siempre, ang mabibili na lang ng sangdaang-piso mo eh 'sang boteng beer at 'sang stick ng yosi na lamang at wala ng 'sang platitong mani, o, 'di ba? Kaya ITIGIL mo na 'yang bisyo mo at ibili mo na lang ng 2 kilong bigas ang sangdaan mo, daliii !!!" . 

Wednesday, December 19, 2012

COMBATIVE CHURCH VS SECULAR POWER

ANA: "Ano ba sa Tagalog ang secular, puwedeng ipaliwanag mo? Kasi, tila PAMBABASTOS na ang ginagawang pagbansag ng mga obese po ng katoliko-liko kay PNoy porke pumapatay daw siya ng mga bata?"

LISA: "Ang secular sa Tagalog eh (walang kaugnayan sa relihiyon). Bilang Pangulo ng Phl, si PNoy eh merong secular power para pirmahang URGENT ang RH bill sa kahilingan na rin ng majority members ng Lower House, na ikinapikon ng mga obispo, o, getz mo?"

CION: "Sa pagkakaalam ko, bago maging ganap na obispo ang isang pari eh kailangn meron siyang divinity doctorate. Kaya naman halos lahat ng obispo eh hango sa old testament ang laman ng utak pero nagmamay-ari ng mga modernong SUVs. Mga IPOKRITO !!!"  

Tuesday, December 18, 2012

MAKE THEM BURN WITH SHAME

ANA: "Ang sabi sa scripture - (If your enemies are HUNGRY, feed them, if they are THIRSTY, give them a drink, for by doing this you will make them burn with shame.) Romas 12:20"

LISA: "Ay naku, ganyan mismo ang taktika sa politika. Ang mga GUTOM at UHAW sa pork barrel eh BINUSOG nina Sec Mar, Sec Florencio at Sec Ricky. Eh bakit napipikon ang obese po ng Antipolo, hmmm?"

CION: "Pa'no kasi, 'yung dating mga politikong suwail at KAAWAY ng RH bill eh bumoto ng YES porke natighaw ang gutom at uhaw nila ng mabudburan sila ng pork barrel. Huwag ka na lang makisawsaw sa politika, obese po Reyes, oke?"

Monday, December 17, 2012

CLITORIS

ANA: "Ano ba sa Tagalog ang clitoris? Meron ka ba no'n?"

LISA: "Eh 'di tinggil. Lahat ng babae, na tomboy na kagaya mo, meron ding tinggil, getz mo?"

CION: "Ang purpose n'yan eh para sa safe ang satisfying sex. Pero sa tingin ko, AYAW ni Tito Sen na ibigay ang true love niya kay Helen Gamboa para sa SSS. Magagalit sa kanya ang mga obispo ng RC Church?" 

Sunday, December 16, 2012

LANGUAGE TRICKS

ANA: "Maituturing na isang tunay na Pharisee 'tong si Obispo Soc Villegas, 'di ba? Kasi, ang galing-galing gumamit ng language tricks, porke sabi niya - contraception is corruption !!!"

LISA: "Pero pupusta ako, singko mo manalo barko, walang susunod sa language tricks ni obese-po Soc. Pa'no kasi, pulos saradong katoliko na duminante ang mga pinatutungkulan, peksman."

CION: "Ay, nakana mo 'ga. Tunay nga na pariseo (read: ipokrito) si obese-po Soc porke binibigyan niya ng babala ang mga ('dumi nan' tenga) na kakampi niya sa Lower House, 'gaya nina Mikey Arroyo, Rudy Antonino, Mitos Magsaysay, JV Ejercito, Imeldific, etc, na pulos hindi makarinig at mga SARADONG KATOLIKO-liko!!!"  

Saturday, December 15, 2012

THE BOORISH TINKERING THE GIFTS?

ANA: "Oy, alam ko kung ano ang x'mas gift ni Brenda Mage kay Boorish - TENTERHOOKS !!!"

LISA: "Bakit, ano ba sa Tagalog ang pinagsamang words na tenter at hooks, sige sabihin mo nga kung marunong ka?"

CION: "Ang tenterhooks eh a la hanger ng damit na merong sabitan na puwedeng IBILAD, ayon kay Brenda, sina Senate Prez JPE, Tito Sen at Jinggoy, o, 'di ba?"

Friday, December 14, 2012

62 ABSENT EXECRABLE SOLONS

ANA: "Sa kuwenta ko merong 282 suma-total ng mga congressmen. Sa pagkakaalam ko eh lahat sila, tumatanggap ng PORK BARREL, 'di ba?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Pero lahat ng members ng House of Representatives eh may kanya-kanyang partido o grupong kinaaaniban. Kagaya ng botohan sa RH bill, 113 ang Yes, 104 ang No, samantalang 3 ang nag-abstain o hindi lumahok sa botohan."

CION: "Maituturing na mga EXECRABLE (kasuklam-suklam) ang 62 Representathieves na nagpasyang huwag sumipot sa botohan ng Yes or No sa isyu ng RH bill. Sila 'yung pawang mga ANTI (read: nag-aantay) ng karagdagang BREAD mula sa mga verisimilitude bishops. Tongue-in anew !!!"

Thursday, December 13, 2012

"LET US HAVE CHILDREN BY CHOICE, NOT BY CHANCE"

ANA: "Kung pumasa na sa 2nd reading ang proposed bill, hindi ba formality na lamang ang 3rd and final reading porke APPROVED na ito? Bakit humihirit pa uli ang mga obispo ng RC Church na tila mga PEDANTIC sa trabaho ng Kongreso, 'di ba?"

LISA: "Sige, tingnan natin kung ano ang hakbang na gagawin ng mga RECALCITRANT at RANKLED bishops pagsapit sa plenaryo ng scheduled 3rd and final reading ng RH Bill next week sa House of Representatives."

CION: "Para sa akin eh wala na talagang magagawa pa ang mga QUIBBLING bishops na harangin ang approved on 2nd reading RH bill porke, by tradition, FORMALITY na lamang ang 3rd and final reading na ginagawa ng dalawang Kongreso sa Phl at sa buong mundo man, intiende?"

Wednesday, December 12, 2012

POPULATION ISSUE, NOT POPULATION CONTROL, CHILDREN BY CHOICE, NOT BY CHANCE

ANA: "Meron bang napala (read: pagpapala) na tinanggap ang mga obispo ng RC Church na sabay-sabay NAGLAMAY para mai-basura SANA ang RH Bill sa House of Representatives?"

LISA: "Hindi sila pinanigan ni Lord, porke ang score sa botohan, alas-dos ngayong madaling-araw ng Huwebes, eh 'sing-nipis ng blade (113 vs 104) pabor sa RH Bill. MABUHE ANG MGA BEBI !!!"

CION: "Hay, juice koh, mai-enjoy ko na rin ang BARUKBUKAN namin ng honey ko sa umaga, sa tanghali, at sa gabi - PERFECT !!!"   

Tuesday, December 11, 2012

PLAKDA SI VALHALLA?

ANA: "Ano ba ang ibig sabihin ng Valhalla, alam mo? Tao ba siya?"

LISA: "Ang Vahalla eh isang great hall, hindi tao, sa Odin, na PINAGLILIBINGAN ng mga mandirigmang nangamatay sa gera bilang mga bayani. Bakit?"

CION: "May tama ka r'yan 'ga a la right hook sa kaliwang baba. Pero hindi si Pacman ang ililibing, kundi ang kanyang GLOVES, ayon sa opinyon ni CDQ. Pabor ako do'n para huwag magmistulang LANTANG-GULAY si Ninong. Ang pagbutihing maige ni Pacman eh tulungan niya ang ating mga kababayan sa Mindanao na PLAKDA ngayon sa right hook ni PABLO, o, 'di ba?"  

Monday, December 10, 2012

THE TWILIGHT OF HIS LIFE

ANA: "Ano ba ang twilight sa Tagalog, alam mo?"

LISA: "Twilight means a period in which STRENGTH  and IMPORTANCE are waning!"

CION: "Korek ka r'yan, 'day. Dapat maniwala ni Pacman sa payo ng kanyang ina kesa kay Bob Arum. Mas matutulungan niya ang Pinoy bilang isang MATINO at mapag-kawanggawang politiko. Magretiro na siya sa boksing at iba pang aktibidades niya 'gaya ng preacher at artista. Harapin niya ang PAGLILINGKOD sa bayan bilang pinagkakatiwalaan, pinagpipitagan at madaling lapitang politiko. Mabuhay ka Manny!!!"

Friday, December 7, 2012

PABLO PAR VS BRO PABILLO

ANA: "Kapanalig ba ni pareng Pabillo ang bagyong si Pablo na walang patumanggang humarabas sa Compostela Valley?"

LISA: "Palagay ko merong itim na karunungan si pareng Pabillo porke ipinagdasal nito ang bagyong si Pablo para lumiko patungong norte at huwag lumabas sa Phl Area of Responsibility?"

CION: "Kontrahin natin ang dasal ni pareng Pabillo na sana eh patawaring lubos ni GOD ang mga pari ng RC Church na meron (nak-a sa basla) bago sila LUNURIN lahat sa baha ni Pablo pagdating nito sa North Luzon! Perfect, 'di ba?"

Thursday, December 6, 2012

THE BENEFITS OF WISDOM

ANA: "Ang sabi sa Proverbs 4:7 - Getting wisdom is the most important thing you can do. Whatever else you get, get insignt."

LISA: "Pero sino ba ang nabibigyan ng benepisyo sa wisdom ni Obispo Bro Pabillo, hindi ba lahat 'yung mga anti-RH Bill na Representathieves?"

CION: "A la Lucifer ang SERMON ni Obispo Bro, porke, bilang obispo ng RC Church, SINISISI pa nito ang mga nangamatay sa trahedyang dulot ng super typhoon Pablo sa halip na magbigay ng tulong. Inihahambing ni Obispo Bro sa Old Testament ang kanyang wisdom at insight dahil daw sa UNFAITHFULNESS ng mga Pro-RH Bill. Put tongue namo!!!" 

Wednesday, December 5, 2012

PROMISCUOUS

ANA: "Ano ba sa Tagalog ang ibig sabihin ng word na promiscuous, alam mo?"

LISA: "Gulong-gulo, halu-halo at magulo. Sabi kasi ni CDQ - (that recklessness is a disease, that unconcern is a disease, the justification of it is a disease, the encouragement of it is a disease) - hinggil sa ANTI-RH Bill TONGressmen!"

CION: "Pero dahil sa tindi-ng-kamandag ngayon ng Internet, 'yung mga anti-RH Bill Congressmen na nag-aantay ng biyaya mula sa RC Church, sa isang kisap-mata, eh tiyak na maibubulgar sa buong mundo na sila'y pawang walang paninindigan dahil sa kanilang promiscuity. HUWAG SILANG IBOTO !!!" 

Tuesday, December 4, 2012

CHAKA

ANA: "Bakit, ano ba ang ibig sabihin ng chaka, alam mo?"

LISA: "Ay andali-dali. Ang ibig sabihin ng chaka, sabi ni Gil Cabacungan, eh PANGIT !!!"

CION: "Tama, porke ang Pinoy eh mahilig sa pangit-na-tsismis para MAPAG-USAPAN. Sinadyang pangit ang topic sa report ni Gil Cabacungan bilang ADVERTISEMENT sa kandidatura ni Jack Enrile for senator, kapalit ng MAKAPAL na sobre, o, 'di ba pangit 'yon, Gil?".  

Monday, December 3, 2012

DERRIERE

ANA: "Hindi ba ang derriere eh salitang French na ang ibig sabihin sa Tagalog eh PUWITAN?"

LISA: "Korek ka r'yan, 'ga. Pero ang isyu ni CDQ eh hindi ang makinis na puwitan ni J-Lo, kundi pinuri nito ang ginawang crowdsourcing ni Brenda Mage para pagbasehan sa pagtanggal sa mga repressive provisions sa proposed cybercrime law na isiningit doon ni Tito Sen."

CION: "Ay, sinabi mo. Sigurado ako na walang binatbat ang derriere ni Tito Sen kumpara sa derriere ni J-Lo kapag tinanggal ni Brenda ang takip (repressive provisions) na itinapal ni Tito Sen para itago ang maligasgas niyang PUWITAN?"

Saturday, December 1, 2012

DAVID VS GOLIATH

ANA: "Nagbabasa kaya ng Holy Bible si Mon Tulping?"

LISA: "Pa'nong magbabasa ng Biblia si Tulping eh, Kristiano ba 'yon?"

CION: "Si Haring David (PHL) nu'ng bata pa siya eh hinamon at LUMABAN sa higanteng si Goliath (TSINA) at napatay niya ang higante sa pamamagitan lamang ng tirador! Alam mo ba 'yon, Tulping?"

Friday, November 30, 2012

PLUTOCRACY

ANA: "Sa palagay ko, walang sobreng tinanggap si mareng Winnie sa kolum niyang ito mula sa mga plutocra(Z)y, does that strike a chord somewhere?"

LISA: "Bakit, ano ba kasi ang ibig sabihin ng PLUTOCRACY, dahilan para mapabilang daw ang Pilipinas sa WNF (Why Nations Fail) na topic ni mareng Winnie?"

CION: "Plutocracy means the RULE or CONTROL of society by the wealthy. Ngayon, sino ba ang ruling classes sa Pinas, 'di 'yung mga elected officials? It's the POLITICS, STUPID !!!"  

Wednesday, November 28, 2012

AVARICE MEANS EXTREME GREED FOR RICHES

ANA: "Bakit ba tinawag ni CDQ ang Simbahang Katoliko na avarice? Marami bang stock ng nabubulok na bigas ang mga obispo at pari 'gaya ng NFA?"

LISA: "Hindeee! Ang salitang avarice eh wikang ingles na ang ibig sabihin sa tagalog eh SUWAPANG. O, ngayon, alam mo na?"

CION: "May tama kayo, 'day. Bukod sa namumuwalan sa kayamanan ang Simbahang Katoliko mula sa koleksiyon ng abuloy, TAX FREE, eh gusto rin nilang kasing kapangyarihan din ng gobyerno. Mga suwapang talaga, 'di ba?"

Tuesday, November 27, 2012

GET WISDOM AND INSIGHT

ANA: "Saang eskwelahan ba ang may offer na kursong Wisdom and Insight major in Politics, meron ba?"

LISA: "Ay. ambopols mo 'day, 'lam mo 'yon? Ang wisdom o talino, kusang umuusbong sa utak ng tao habang tumatanda siya, samantalang ang insight, is the ability to perceive clearly or deeply, intiende?"

CION: "Korek kayo r'yan, 'ga. Sila yung karaniwan at maralitang Pinoy na meron daw mababang IQ, ayon kay Brenda Mage, na gusto nitong ma itsa-puwera na bomoto sa eleksiyon, porke mga BOPOLS na 'gaya ni Ana?"   

C A, ANAK NG PORTUGUESE KA !!!

ANA: "Ay, anong klaseng TOKWA ba 'yan! Magkanong dahilang bakit pinawalang-bisa ng Court of Appeals ang arrest warrant ng magkapatid na Reyes na umano'y murderers?"

LISA" :Talagang 'di matatawarang makamandag pa rin ang majority ng CA Justices na pawang appointed ni Ate Glo, o, 'di ba? Tulad ni suspected plunderer Ben Abalos, bukod sa pinag-piyansa, eh bakit pinayagan din ng Korte na mag-abroad?"

CION: "Siempre, parang mga retired generals ni Ate Glo 'yang mga huwes na hunghang, a la boy scout na pinaghahandaang maige ang kanilang pagreretiro sa pamamagitan ng BRIBE MONEY bilang pabaon, o, 'di ba?"

Monday, November 26, 2012

CUT OFF THE HEAD, THE BODY DIES

ANA: "Parang hawig kay Joker ang mga pahiwatig ngayon ni CDQ porke 'di kailanman umano matatapos ang kaso ng Maguindanao Massacre na tila ba isang baby na hinihele-hele ng Korte?"

LISA: "Ay, nakana mo 'ga. Hangga't 'di pinaiiral ng Korte ang suhestiyon ni CDQ na (cut off the head, the body dies), eh patay-na-lahat ang mga akusado, abogado, huwes after 200 years, pero 'di pa rin matatapos ang kaso?"

CION: "Bakit hindi tularan ng Korte ang ipinairal ng Senate Impeachment Court noon laban sa Corona Impeachment? ENSIGIDA nilang sinibak si Rene bilang CJ to (stop the shenanigans of the chief justice, you stop the shenanigans of the courts), o, 'di ba?"

Sunday, November 25, 2012

THE BRAINS

ANA: "Andaming napabilib ni Sen Joker sa ideya niyang dapat unahing litisin ng Korte ang mga utak sa Maguindanao massacre, grabe!"

LISA: "Hmmm, puede, puede. Kaya lang, kung ipatutupad ang ganitong regulasyon sa prosecution, eh dapat parehong ipatupad din ang ganire sa Ombudsman, 'di ba?"

CION: "Korek kayo 'day, ang gleng-gleng n'yo. Sige, unahing litisin ang pamilya ni Arroyo (hindi si Joker) bilang brains sa pangungulimbat, ang mag-anak na mga pluderers na sina Mike, Gloria at Mikee, go, go, goooo!!!" 

Saturday, November 24, 2012

IFFY (maraming kondisyones)

ANA: "Ang legal definition ng Ministerial Duty, ayon kay ex-CJ Art, is - A simple, definite duty. Pero bakit IFFY? dangan kasi - if the law imposes a duty but gives the officer (upon whom it is imposed) the right to decide HOW or WHEN it shall be performed, the duty is discretionary and NOT ministerial."

LISA: "Gano'n? Hay juice koh, TANG inumin n'yo, mga pulpolitiko! Mob Rally na 'toh!"

CION: "Yes! Mob rally ito sa internet a la Obama winning the election, 'tsaka kung pa'no nabakbak ang kunyapit ni Rene Crown as CJ eh dahil din sa social media, o, 'di ba?" 

Friday, November 23, 2012

MINISTERIAL DUTY

ANA: "Ang sabi ni mareng Winnie, ang ibig sabihin ng ministerial duty eh - a simple and definite duty, imposed by law - pero, talaga bang nasusunod ito?"

LISA: "Depende, kasi, kinumpirma pa ni mareng Winnie - nothing is left to individual discretion or judgement - 'gaya nga ng kinasangkutan ni Sergio Valencia, na ang function niya eh ministerial duty ang pagsunod nito sa discretion ni Ate Glo, para mangulimbat ng pera mula sa PCSO?"  

CION: "Gano'n naman pala. Eh 'di talagang sangkot nga sa kasong plunder si Valencia, so, anong ipinagsisintir ni mareng Winnie, manipis pa ba ang sobre?"

Tuesday, November 20, 2012

SINOTTO (Sino ito?)

ANA: "Si Neal Cruz eh dating presidente ng National Press Club na kinasuhan sa Korte ang sariling members nito dahil daw sa ibinentang paintings, 'di ba?"

LISA: "Korek ka r'yan, 'ga. Pero nagka-areglohan din YATA sila matapos merong isingkaw na isponsor para magpamudmod ng makapal-na-sobre sa magkabilang panig kasama ang hoodlum-in-robe?"

CION: "Sino naman kung ganon ang a la alkansiyang isponsor ngayon nina Neal Cruz at Tito Sen na nagpamudmod ng makapal-na-sobre sa magkabilang panig kasama ang imbitadong media para magka-areglohan?"

Monday, November 19, 2012

ISKUL BUKOL STRIVING FOR PASANG-AWA

ANA: "Eh, hindi pa naman tapos ang termino sa senado ngayon ni Tito Sen, kasi, nasa midterm pa lang siya, 'di ba?"

LISA: "May tama ka 'ga, pero, nasa oposisyon siya at siguradong madaramay ang kapwa niyang taga-oposisyon na pasang-awa gradwet din kagaya ni Tito Sen mula sa Iskul-Bukol?"

CION: "Owws? Ibig mong sabihin a la XEROX machine lahat ang political group na kinabibilangan ni Tito Sen kasama si JPE? Hampas-able!!!"

Sunday, November 18, 2012

"IT'S NOT A RIGHT, IT'S OPPRESSION"

ANA: "Bakit ba kasi tila meron kondisyong RIGHT OF REPLY na hinihingi muna bago ipasang batas ang FOI?"

LISA: "Pa'no, andami raw envelopmental reporeters na bukod sa (retained) ng makakapal na sobre eh ang kakapal din ng apog, 'lam mo 'yon?"

CION: "Kung gustong lagyan ng kontrol ng gobyerno ang FOI, lahat ng media profession sa Phl, eh kailangang lisensiyado 'gaya ng lisensiya sa baril? AMEN."

Thursday, November 15, 2012

ADVERSE POSSESSION

ADVERSE POSSESSION: OPEN OCCUPATION OF REAL PROPERTY WITHOUT TITLE OR PERMISSION OF THE PERSON HOLDING TITLE

Ni: Laoag Albano Paras a.k.a. Leo Paras (AnaLisaCion)   Date: November 16, 2012
oaparagonasaball@gmail.com   cp# 0908 688 4773

Sa porma pa lang ng pinagsanib na DB GLOBAL OPPORTUNITIES at National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) ay kaduda-duda na porke may merger sila noong panahon ni Ate Glo para lang daw mandugas ng mga lehitimong homeowner who had own properties thru adverse possession nationwide?

Ang DB Global Opportunities a.k.a. Balikatan Housing Finance Incorporated (BHFI) or Bahay-Financial or BFS ay isang private company, samantalang ang NHMFC naman ay isang government owned and cotrolled corporation (GOCC). Pinagsama silang a la sindikato para bawiin ang 52,000 housing units mula sa mga lehitimong homeowners sa buong bansa na hindi raw nagbabayad ng hulog sa bahay payable in 30 years?

Kung hindi man nagbabayad ang mga lehitimong homeowners ng kanilang monthly amortization sa Balikatan para sa mga nabili nilang RIGHTS ng low cost housing, ay nagbabayad naman sila ng amilyar kada taon sa Gobyerno, samakatwid, kumikita ang Gobyerno mula sa kanila, 'di ba? 

Labis na iniinda ng 52,000 homeowners nationwide ang epekto ng highway robbery ng sindikato sa kanila, kasabwat ang Register of Deeds (RD), hoodlums-in-robe, BIR, Treasurers' at Assessors' Offices since Ate Glo's Administration, kasi, bakit ayaw umabante ang imbestigasyon ng Committee on Housing and Urban Development ng House of Representatives? MagkANO ba ang dahilan?

Batay sa report posted on the Internet by the House of Representatives, inamin mismo ni Federico Cadiz, Jr., vice president and Director of BHFI, his company's operations: "x-x-x that of the 52,000 accounts under their management, some 47,000 borrowers applied for a loan restructuring through an appraisal-based refinancing. He said that BHFI has initiated the foreclosure of some 9,600 accounts x-x-x" (emphasis mine)

Sinabi pa sa report: "On the other hand, Joseph Peter Sison, president of the NHMFC, explained that the sale of its non-performing loans is part of the overall strategy to rehabilitate NHMFC financially x-x-x the sale involved only the high-delinquency loans composed of some 52,000 units under the Unified Home Lending Program (UHLP) funded by the Pension Funds, namely, the Home Development Mutual Fund (HDMF), Social Security System (SSS), and Government Service Insurance System (GSIS)." (emphasis mine)

Noong 1990 under Tita Cory's watch, ay boom sale ang low cost housing saan mang dako sa Pilipinas at kada housing unit na biniling hulugan ay inilalagay sa Title ang pangalan ng nakabiling Overseas Contract Workers (OCWs), now, OFWs, pero annotated ng mortgaged ang titulo, sa katumbas na halaga ng biniling property payable in 30 years.  

Ang tanong: Mga totoong tao ba ang OFWs na buyers ng housing units na awtomatikong ipapangalan sa kanila ang Title ng property pero annotated naman ang Title ng mortgaged, sa utos ng sindikato? Ang sagot: HINDI! Kung matatandaan, walang pagkakaiba ito sa pandurugas noon ng bilyon-bilyong piso sa Pampanga ng syndicated estafa convict Delfin Lee, na hanggang ngayon ay nagtatago, 'di ba? 

So, matapos makubra ng Developer mula sa UHLP, a Government entity, ang multi-million pisong bayad sa kanyang proyekto, ay hindi na ngayon makasingil ang Pension Funds mula sa OFWs na nagsibili ng housing units, porke, ginamit lang ang mga pangalan nila, kung totoong tao nga sila, bilang recipients of housing loans by the developer, kagaya nga ng modus-operandi ni Delfin Lee. Samakatwid, peke, porke wala namang aktuwal na tao ang totoong bumili at omokupa sa housing unit(s). Maliwanag na magkaiba ang pekeng original buyer kesa adverse claimant na patuloy na nililigalig ng sindikato.

Ito ang dahilan kung bakit mahigit 90% occupants by adverse possession of low cost housing projects nationwide na pawang biktima ng harassment ay pawang kualipikadong mag-avail ng adverse claim sa ilalim ng SECTION 70, P.D.No. 1529. Heto ang legal meaning ng Adverse Possession: Open occupation of real property without title or permission of the person holding title.   

ANA: "Section 47 ang laging ginagamit na pang-kontra ng RD vs Section 70, para hindi maisyuhan ng new title na tax exemp ang sinomang homeowner na qualified mag-avail nito. Quasi-judicial ba ang RD?"

LISA: "Ganire kasi ang mandato ng Section 47 of PD 1529 - No title to register land in derogation of the title of the registered owner shall be acquired by prescription or adverse possession. Ito mismo ang batas o butas na PALUSOT ng RD, ang cheap, 'di ba?"

CION: "Bakit, meron ba kasing derogation, meaning, substantial change of the title with the same technical description, kung ipapangalan ito sa adverse claimant, na totoong tao, ang new title, kapalit ng unang titulo na nasa pangalan ng fictitious owner(s)?"

Emailed for:

     HIS EXCELLENCY BENIGNO S. AQUINO III

Email forwarded to:

    1. Hon. Leila de Lima
        Secretary, Department of Justice

     2. Hon. Eulalio C. Diaz III
        Administrator, Land Registration Authority

Email posted on the Internet:

     1. leoparas.blogspot.com
     2. facebook
     3. twitter
     4. google

















Wednesday, November 14, 2012

THE REASONS FOR AIRING THE TRIAL ARE LEGION

ANA: "Hindi ba nu'ng impeachment trial ni ex-CJ Crown eh televised ito hanggang sa ibaba ang hatol sa kanya at lumaganap sa buong mundo, IN REAL TIME, informing that CJ was already IMPEACHED by the Senate Impeachment Court?"

LISA: "Oo nga 'ga, kasi, sa halip yatang itim na panyolito ang nakatakip sa mga mata ni Madame Democracy habang tangan ang balanseng timbangan, eh mas mabigat ang timbangan sa kaliwa porke may nakatapal na $ ang kaliwang mata ni Madame DemocraZy?"  

CION: "Ang Senate eh hindi nakayanang ikandado a la PILLORY ang mga camera noong impeachment trial ng isang CJ, eh BAKIT ang SC eh kayang ilagay sa pillory ang Legion, partikular ang MEDIA, para 'di nila monitored ang trial ng Maguindanao massacre?" 

Tuesday, November 13, 2012

PHL, A ROYAL DUMPSITE?

ANA: "Ang Malaysian Glenn Defense eh puedeng ihambing sa isang katulong-sa-bahay ng isang mayaman at tusong amo, 'di ba?"

LISA: "Nakana mo 'ga, kasi, puede ring ihambing ang tusong amo sa (the U S of A) na laging inuutusan ang kanyang katulong-sa-bahay para itapon sa lote ng kapitbahay ang mga nakalalasong basura!"

CION: "Korek kayo r'yan, 'day. Kapag isinumbong ng kapitbahay ang katulong sa kagaguhan nitong pagtatapon ng basura sa kanyang nasasakupang lote, eh,. magkokomento lang ang amo ng (oh, really)?" 

Monday, November 12, 2012

PORK BARREL

ANA: "Anong klaseng ulam ba ang PORK BARREL, kasing lasa ba ng adobong baboy 'yon?"

LISA: "Yaks naman ambopols mo, 'ga. Ang pork barrel eh KADATUNGAN mula sa taxes na pinaghahati-hatian ng mga tongressmen sa house of representathieves para sa kanilang pansariling gastusin. O, getz mo?" 

CION: "Hindi lang sa Lower House meron 'yan kundi kahit sa indibidwal na senatong din, kasi, 'di uusad ang panukalang batas nito kung wala siyang PAMPADULAS na pork barrel. Hangga't merong political dynasty eh 'di mababago ang TRADISYON na 'yan sa dalawang TONGreso, sumpa man!!!"  

Saturday, November 10, 2012

DB GLOBAL OPPORTUNITIES & NHMFC FORMED A SPECIAL PURPOSE COMPANY, THE BHFI, FOR LAND GRABBING?

Ni: Laoag Albano Paras a.k.a. Leo Paras (AnaLisaCion)   Date: November 11, 2012
oaparagonasaball@gmail.com   cp#0908 688 4773

Sa porma pa lang ng pinagsanib na DB GLOBAL OPPORTUNITIES at National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) ay kaduda-duda na porke nagkaroon sila ng MERGER panahon ni Ate Glo para lamang daw mandugas ng mga lehitimong homeowner who had own properties thru ADVERSE POSSESSION nationwide?

Ang DB Global Opportunities, a.k.a. BALIKATAN or Bahay-Financial or BFS ay isang private company, samantalang ang NHMFC naman ay isang government owned and controlled corporation (GOCC) . Pinagsama silang a la sindikato para bawiin ang 52,000 housing units mula sa mga lehitimong homeowners sa buong bansa na hindi raw nagbabayad ng hulog sa bahay na payable in 30 years?

Kung hindi man nagbabayad ang mga lehitimong homeowners ng kanilang monthly amortization sa BALIKATAN para sa mga nabili nilang RIGHTS ng low cost housing, ay nagbabayad naman sila ng AMILYAR kada taon sa Gobierno, samakatwid, kumikita ang Gobierno mula sa kanila, 'di ba?

Labis kasing iniinda ng 52,000 legitimate homeowners nationwide ang epekto ng highway robbery ng sindikato sa kanila, kasabwat ang Register of Deeds at hoodlums-in-robe, ang BIR, ang Treasurers' at Assessors' Offices, mula pa noong nakaraang administrasion hanggang sa ngayon, porke, bakit ayaw umabante ang imbestigasion ng Committee on Housing and Urban Development ng House of Representatives? MagkANO ba kasi ang dahilan? 

Batay sa report posted on the Internet ng House of Representatives, inamin mismo ni Federico Cadiz, Jr., vice president and director of BHFI, his company's operations: "x-x-x that of the 52,000 accounts under their management, some 47,000 borrowers applied for a loan restructuring through an appraisal-based refinancing. He said that BHFI has initiated the foreclosure of some 9,600 accounts x-x-x."

Sinabi pa sa report, "On the other hand, Joseph Peter Sison, president of the NHMFC, explained that the sale of its non-performing loans is part of the overall atrategy to rehabilitate NHMFC financially x-x-x the sale involved only the high-delinquency loans composed of some 52,000 units under the Unified Home Lending Program (UHLP) funded by the Pension Funds, namely, the Home Development Mutual Fund (HDMF), Social Security System (SSS), and Government Service Insurance System (GSIS)."

Noong 1990 panahon pa ni Tita Cory, ay merong boom sale ng low cost housing saan mang dako sa Pilipinas at kada housing unit na nabiling hulugan, ay inilalagay sa Title ang pangalan ng nakabiling OFW, pero annotated ng RD ng mortgaged ang titulo sa katumbas na halaga ng biniling property payable in 30 years.

Ang tanong: Totoong tao ba ang mga OFW buyer ng units nationwide, na awtomatikong ipapangalan sa kanila ang Title ng property, ngunit annotated ng mortgaged ng RD, sa utos ng SINDIKATO? Ang sagot: HINDI! Kung matatandaan, walang pagkakaiba ito sa pandurugas noon ng bilyon-bilyong piso sa Pampanga ng syndicated estafa convict Delfin Lee, na hanggang ngayon ay nagtatago, 'di ba?

So, matapos makubra ng Developer mula sa UHLP, a Government entity, ang multi-million pisong bayad sa kanyang proyekto, ay hindi na ngayon makasingil ang Pension Funds mula sa OFWs na nagsibili ng housing units, porke, GINAMIT lang ang mga pangalan nila, kung totoong tao nga sila, bilang recipients of housing loans ng developer, kagaya nga ng modus-operandi ni Delfin Lee. Samakatwid, PEKE, porke wala namang aktuwal na tao ang talagang omokupa sa housing unit(s). Magkaiba ang original buyer kesa adverse claimant.

Ito ang dahilan kung bakit mahigit na 90% occupants by ADVERSE POSSESSION of low cost housing projects nationwide, ay pawang qualified mag-avail ng adverse claim sa ilalim ng Section 70 ng P.D. 1529. Heto ang legal meaning ng Adverse Possession: Open occupation of real property without title or permission of the person holding title. (emphasis mine) 

Ito marahil ang SPECIAL PURPOSE ng DB Global Opportunities (Balikatan) at partner nitong NHMFC sa pangunguna ni dating QC councilor Jopet Sison as president, kaya patuloy na binabale-wala at ayaw ipatupad ng RD ang mandato ng SECTION 70, P.D. No. 1529 (ADVERSE CLAIM)?

ANA: "Ang Section 47 ang laging ginagamit na pang-KONTRA ng RD sa Section 70 (adverse claim) para 'di maisyuhan ng bagong titulo na tax exemp ang sinomang homeowner na qualified mag-avail nito."

LISA: "Ganito kasi ang mandato ng Section 47 of P.D 1529 - No title to register land in derogation of the title of the registered owner shall be acquired by prescription or adverse possession." (emphasis ours)

CION: "Meron bang derogation o substantial change sa title kung ipapangalan sa adverse claimant na totoong TAO ang bagong titulo ng lupa kapalit ng naunang Title in the name of FICTITIOUS owner(s)?"

Emailed for:

     HIS EXCELLENCY BENIGNO S. AQUINO III

Email forwarded to:

     1. Hon. Leila de Lima
         Secretary, Department of Justice
     2. Hon. Eulalio C. Diaz III
         Administrator, Land Registration Authority

Email posted on the Internet at:

     1. leoparas.blogspot.com
     2. facebook
     3. twitter
     4. google











  



















     






    

















Thursday, November 8, 2012

LAND GRABBING BY RICH SYNDICATES

ANA: "Luma na ang isyung sindikato lang ng mayayaman ang nangangamkam ng ari-arian sa Pinas, kasi, Gov't entity na mismo ngayon ang gumagawa ng land grabbing nationwide partikular sa may ADVERSE POSSESSION ng low cost housing projects, 'di ba?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Ang National Home Mortgage Finance Corp. (NHMFC), kasama ang Balikatan, Inc. bilang mga KAPURAL sa land grabbing eh pinalalayas a la iskuwater ang 52,000 legitimate homeowners sa buong bansa sa tulong ng hoodlums-in-robe, Register of Deeds, BIR, Treasurers' and Assessors' Offices, alam mo 'yon?"

CION: "Sinasagkaan ng sindikato na gamitin ng homeowners ang Section 70, P.D. 1529 (Adverse Claim) para HUWAG silang maisyuhan ng titulo, porke, balak noon ng GMA Gov't na BAWIIN lahat ang lupang pinatayuan ng low cost housing projects sa buong bansa, getz n'yo?" 

Monday, November 5, 2012

IMPROPER TIES

ANA: "Bakit, ano ang hindi tama sa ginanap na kasalang Kalaw IV-Villarosa kahapon, nakaposas ba 'yung mga ikakasal?"

LISA: "Nakaposas ba ang intindi mo sa phrase na improper ties? ay, ambopols mo!"

CION: "Malalim at masalimuot ang ibig sabihin ng improper ties, pero ang malinaw, isa itong pagtanaw ng utang-na-loob ng mga Villarosa makalipas MAGHATAG daw para makalabas sa kalaboso si dating Cong Jose sa SC. Hay, talagang ganyan ang buhay, parang life, 'di ba, Robert Q?"

Sunday, November 4, 2012

BAGONG UGNAYANG GAHAMANG ORANGGUTANG KAWATAN

ANA: "Ano ba'ng ibig sabihin ng Title na pulos merong NG sa dulo?"

LISA: "Acronym 'yan laban sa mga grupo ng dinastiya ng pulpolitiko na nagpapaikot sa Phl, getz mo?"

CION: "Kapag sinulat kasi in cap lettrers ang umpisa kada word ng 5-word sentence ng title eh siguradong censored ang comment nating ito, peksman." 

Thursday, November 1, 2012

UNA's HOLY TRINITY

ANA: "Bakit ba tinawag na holy trinity sina Binay, Enrile at Erap? Sila ba eh mga Santong Pilipino 'gaya ni Santo Pedro Calungsod?"

LISA: "Hay naku, mangilabot ka nga sa mga sinasabi mo, noh? Bago maging Santo ang isang tao, ang kuwalipikasyon eh dapat munang MAMATAY siya, intiendes?"

CION: "Akala ko bopols ka 'day, 'di naman pala. Ako gusto kong MAGING SANTO sina Binay, Enrile at Erap NGAYON NA kung qualified, o, 'di ba?"

Wednesday, October 31, 2012

MARCOS, ENRILE NEVER HAD TO WEAR MASKS TO HORRIFY UNDAS

ANA: "Kapag panahon ng UNDAS 'di ba maraming nangangaluluwa sa mga kapit-bahay suot ang maskara bilang paggunita sa mga namatay?"

LISA: "Korek ka r'yan, 'day. Ang maskara eh puedeng isuot o alisin ng sinoman depende sa sitwasyong nakabubuti o nakasasama sa isang tao, halimbawa, si JPE."

CION: "Hindi lang naman ordinaryong maskara ang suot ni JPE porke nagkaroon ng natural DEROGATION (substantial change) ang buong pagmumukha nito re: martial law issue, o, 'di ba?"

SINDIKATO NG LAND GRABBING SA RIZAL REGISTER OF DEEDS

ANA: "Hangga't 'di nasusugpo ang gawain ng sindikatong BALIKATAN eh mananatiling palabigasan nila ang 52,000 homeowners nationwide."

LISA: "Ang Balikatan, Inc. eh merong proteksiyon a la Delfin Lee mula sa mga protection racketeers hoodlums-in-robe, mga taga-BIR, RD at Treasurers' and Assessors' Offices sa buong Phl!!!"

CION: "Mahal na PNoy, hangga't hindi tumitigil sa kanilang racket ang mga LIMATIK na sindikatong 'to eh mananatiling PALABIGASAN ang 52,000 homeowner na nasa ilalim ng HLURB sa buong bansa." 

Tuesday, October 30, 2012

HORROR STORY?

ANA: "Hindi ba sa halip na HORROR STORY, ang title dapat ng column ni CDQ eh Anarchy?"

LISA: "Bakit, ano ba kasi ang ibig sabihin ng word na ANARCHY, alam mo?"

CION: "The word ANARCHY means ABSENCE OF GOVERNMENT, or, puede rin tawagin itong Duterte government, o, 'di ba?" 

Monday, October 29, 2012

GALLIVANTING AROUND?

ANA: "Hayan, nagalit si JPE sa kanyang kapwa senadores porke sobra-sobra kung magbulakbol habang may session, o, 'di ba?"

LISA: "Sa pakiwari ko eh hindi galit, kundi, PA-EPAL lang sa tao ang patutsada ni JPE sa kanyang colleagues para mapansin na straight din kuno na kagaya niya ang anak na si Jack na kandidatong senador, hmmp!!"

CION: "Bakit 'di na lang lagyan sa apat na sulok ng Senate Session Hall ng mga CCTV para bistado ng publiko kung sino sa mga senadores ang bulakbulero, Mr. Senate President, Sir?"  

Sunday, October 28, 2012

WHEEL CHAIRS AND OTHER ROADRUNNERS

ANA: "Ang karera ng racing cars sa zigzag na bulubundukin eh puedeng humantong sa bangin o sementeryo, samantalang ang karera ng wheelchairs eh puedeng humantong sa hospital-arrest o sa bansang Spain, o, 'di ba?"

LISA: "Ows, talaga? So, anong category nababagay si Ate Glo na kumakarera ngayon para sa reelection bid nito sa Congress, ang final destination kaya niya eh sa Spain or detention cell?"

CION: "Ay naku, huwag nga kayong magbiro ng ganyan at baka meron na namang mapikon a la Atty Topak Yo na umano'y isang ABUgago ni Ate Glo?"




Saturday, October 27, 2012

SA KAALAMAN NG P-NOY, TITLING SYNDICATE SA RD-RIZAL, MALALA NA



SA KAALAMAN NG PANGULONG NOYNOY, TITLING SYNDICATE
SA RD-RIZAL, MALALA NA PO BATAY SA AKING KARANASAN
Ni: Laoag Albano Paras a.k.a. Leo Paras (AnaLisaCion)    Date: October 20, 2012

Noong September 5, 2012 ako’y nag-file ng Adverse Claim para sa bagong Titulo ng aking lupa na kinatitirikan ng aming bahay at tinitirhan ng aking pamilya mula pa noong taong 2000 sa Taytay, Rizal, sa Register of Deeds, Binangonan, Rizal.
Batay ito sa Section 70, Adverse Claim na isang TAX EXEMPT ayon sa PD No. 1529, at nagbayad ako noong araw ding yaon ng Assessment Form and Payment Order sa halagang Php 516.32 at nabigyan ng EPEB No : 2012008124 sa ilalim ng Official Receipt No. 1003560313 at pirmado ng cashier na si Irene B. Parvian.
Ngunit bago ako nabigyan at payagang makapagbayad ng Assessment Form and Payment Order ay nagkaroon muna kami ng mainit na argumento ni Atty. Hilarion Cerna Mogello, Jr, Deputy Register of Deeds, porke, sabi niya ay LIS PENDENS (under Court jurisdiction) umano ang aking adverse claim at hindi puedeng irehistro ito sa Register of Deeds.
Pero ipinaliwanag ko, batay sa intensiyon ng batas, the registration of an adverse claim is expressly recognized under Section 70. Where the notice of Adverse Claim is sufficient in law and drawn up in accordance with existing requirements , it becomes the MINISTERIAL DUTY  of the RD to register the instrument WITHOUT UNNECESSARY DELAY . Adverse claim not ipso jure cancelled after 30 days.
Batay pa sa aking research sa INTERNET, ang purpose ng Adverse Claim ay para LAGYAN ng annotation ang bagong titulo to apprise or make aware 3rd person(s) that there is a CONTROVERSY over the ownership of the land and to preserve and protect the right of the ADVERSE CLAIMANT during the pendency of the controversy
Kasi, annotated ang TCT No. 599677 na nasa pangalan ng FICTITIOUS na mag-asawang Carlos Mangona Jr at Cheryl Ann Mangona sa Memorandum of Encumbrances on page number 5 ng Titulo, ‘gaya ng sumusunod:
“Entry No. : 2012000398                                                    Date: January 13, 2012   2:27 pm
CERTIFICATE OF SALE  :  ISSUED BY THE SHERIFF OF REGIONAL TRIAL COURT, ANTIPOLO CITY, IN FAVOR OF BALIKATAN PROPERTY HOLDINGS, INC., AS THE HIGHEST BIDDER, FOR THE SUM OF PHP 629,129,36 SUBJECT TO REDEMPTION WITHIN A PERIOD OF ONE (1) YEAR FROM AND AFTER THE DATE OF REGISTRATION HEREOF, IN ACCORDANCE WITH THE CERTIFICATE OF SALE DATED JULY 22, 2010.
Federico M. Cas
Registrar of Deeds”
Ang BALIKATAN ay grupo umano ng mga landgrabber na kasalukuyang iniimbistigahan ng House of Representatives, ayon sa Internet, dahil daw sapilitang naniningil ng delinquency loans ng 52,000 homeowners nationwide at posible umanong may PROTEKSIYON, a la Delfin Lee, mula sa mga hoodlums-in-robe, mga taga-BIR, RD at Treasurer’s and Assessor’s Offices sa buong bansa !!!
Kumpleto ang bayad ko at walang utang sa amilyar ang aking inaangkin na propiedad at pawang namumunga na rin, makalipas ang labing-dalawang taon, ang mga puno ng mangga, kaimito, bayabas at atis na personal kong itinanim noong dumating kami at ariin ang lupa at bahay ng aking pamilya sa pamamagitan ng Adverse Possession.
Sa halip na magkaroon kami ng Title by Prescription mula sa RD, ay kung bakit NAISUBASTA ng Provincial Treasurer’s and Assessor’s Offices at pinanalo pa ng RD ang BALIKATAN, Inc. at kumpirmado rin ng RTC, samantalang tuloy-tuloy kaming nakatira ng buong pamilya ko sa naturang property sa loob ng 12-taon at bayad lahat ang property taxes sa Local Government at ang mga resibo ay pawang nasa aking pangalan, LAOAG A. PARAS.
BISTADO at talagang hindi maikakaila ang modus-operandi ng sindikato dahil sa ang pinagbasehang Notice of Denial ay taliwas sa Section 47, PD 1529 at pilit na inisyu ng RD laban sa aking Adverse Claim, kabilang na rito ang mismong Provincial Treasurer’s and Asessor’s Offices at ang RTC, porke, bakit nagkutsabahan din lahat sila noong una na isubasta sa BALIKATAN ng hindi ko nalalaman, ang aking property noong July 22, 2010, habang nakatira kami roon ng pamilya ko? With a Court Order, palalayasin ba kami ng Balikatan sa aming ABODE after the grace period on January 13, 2013 lapsed?  
Narito ang pinagbasehan ng Notice of Denial ng RD-Binangonan laban sa aking Adverse Claim at pirmado nina Atty. Hilarion Cerna Mogello, Jr. at Examiner Mila C. Buhay, VIZ;
“In the case of Register of Deeds of Quezon City, et. al.. v. Nicandro, 1 SCRA 1334, the Supreme Court held that an adverse claim of ownership based upon prescription and adverse possession cannot be registered inasmuch as under Section 47 P.D. No. 1529 no title IN DEROGATION TO THAT OF THE REGISTERED OWNER may be acquired by prescription or adverse possession. Hence, x x x..”  (underscoring mine).
Narito naman ang EXACT WORDINGS ng P.D. No. 1529, Chapter IV (Certificate of Title), Section 47.
“Registered land not subject to prescription. No title to register land IN DEROGATION OF THE TITLE of the registered owner shall be acquired by prescription or adverse possession.” (underscoring mine)
Ang word na DEROGATION, batay sa legal meaning nito sa English, ay – SUBSTANTIAL CHANGE.
Sa kasalukuyan, ang Palmera Subdivisions 1 to 6 sa Taytay, Rizal ay wala pang 10% ng mga homeowner  ang meron ng bago at CLEAN TITLE magmula noong 1990 kung kailan ay dating okupado noon ng mga fictitious named OFWs ang naturang mga housing units na 30 years to pay.
Samakatwid, mahigit 90% pa ng Palmera Subdivision legitimate homeowners by adverse possession ang naghahangad din na katulad ko para sila’y magkaroon ng CLEAN TITLE thru Section 70 (Adverse Claim or Title by Prescription) which is a TAX EXEMPT, pero mahigpit na sinasagkaan ng RD dahil sa dikta ng sindikato?
Mahal na PNoy, hangga’t hindi nasusugpo ang gawain ng sindikatong ito ay mananatiling PALABIGASAN nila kami. Sa ngalan ng Homeowners’ Associations under the HLURB sa buong Pilipinas, ako po ay umaasang kagyat na masasawata ng maykapangyarihan ang mga LIMATIK na ito laban sa aming 52,000 homeowners nationwide.
ANA: “Wala naman palang mali sa Section 70 (Adverse Claim) ni Sir Leo eh pa’no ngayon ipatutupad ng RD ang PALUSOT na Notice of Denial na inisyu ni Atty. Jun Mogello base sa FABRICATED meaning ng Section 47 na inimbento ng RD? Kailangan sigurong paimbestigahan na ito ni Sir Leo sa NBI, o, ‘di ba?”
LISA: “Obligasyong irehistro, ipso jure (by the law itself), ang Adverse Claim ni Sir Leo ng RD. Eh ang kaso,  PILIT siyang pinapirma ng Acknowledgement Slip dated 10/5/2012 (Friday) 10:40:53 am, ng isang  Larry na nagpanggap na si Releasing Clerk Edgar H. Naig. KUNWARI eh binabawi na ni Sir Leo ang kanyang claim, para nga naman merong legal basis ang RD na IBASURA ang adverse claim nito sa RD under EPEB No. 2012008124 sa utos ni Atty  Jun Mogello habang kaharap niya mismo si Sir Leo ng sumandaling ‘yon! Ay, ano ba ‘yan?”
CION: “At saka pilit na pinagbayad pa ‘uli sa cashier ni Atty  Jun noong bumalik si Sir Leo, ng Php 180 under OR # 1003788432 dated October 17, 2012, bilang PATUNAY at KUMPIRMASYON ng withdrawal kunwari ng kanyang claim, pero gayunma’y hawak naman lahat ni Sir Leo ang kumpletong EBIDENSIYA vs crime syndicate. Alam mo ba ‘yon, Rizal Provincial Registrar of Deeds, Atty.  Federico M. Cas, Sir?”

Emailed for:
HIS EXCELLENCY BENIGNO S. AQUINO III
Email forwarded to:
1.       Hon. Leila de Lima
Secretary, Department of Justice
2.       Hon. Eulalio C. Diaz
Administrator, Land Registration Authority
3.       Atty. Federico M. Cas
Rizal Provincial Registrar of Deeds
Email posted on the Internet at:
1.       Leo Paras blogsite
2.       Facebook
3.       Twitter
4.       Google

Sunday, October 21, 2012

TO QUELL ANARCHY

ANA: "Eh sino ba kasi ang kalaban ni JPE, komunista? rebelde? Pilipino?"

LISA: "Ang kalaban ni JPE ayon kay CDQ eh si Marcos na kapwa nila NIYURAKAN ang taong-bayan noong panahon ng Martial Law."

CION: "Samakatwid, hindi ito kaso ni JPE vs Joma Sison and Satur Ocampo kun'di JPE laban sa taong-bayan?"

Saturday, October 20, 2012

ONLINE DOCTORATE DEGREES

ANA: "Hoy, alam mo? Merong isang apo si Sir Leo na nag-aaral sa isang public school sa Makati via ONLINE at lingguhan lang kung mag-report sa kanyang teacher sa school."

LISA: "Owws? Bakit, pinapayagan ba 'yan ng DECS? Pa'no naman kung ireklamo sila ng LIBEL ni Sen Ed Angara, puede bang isama ring ACCESSORY sa krimen ni Sen Ed ang DECS?" 

CION: "Hindi lang 'yon, 'day. Marapat din marahil na gawaran ng panibagong Online PhD si Sen Ed na siyang kauna-unahang tatanggap sa buong mundo - DOCTOR OF ANOMALY - o, perfect, 'di ba?"

Friday, October 19, 2012

WHY IS PHL EXPERIENCE WITH LPG SO DIFFERENT?

ANA: "Isama na lang 'yan sa sin tax a la tabako't alak para wala nang taxi driver na gagamit ng LPG para wala nang kalaban ang gasolina't krudo, o, very happy sila, 'di ba?"

LISA: "Ay sus, TALANGKA rin pala ang pag-iisip ng mga oil producers 'noh?"

CION: "Mabuti naman at naibulgar ni Mareng Winnie sa Pinoy ang findings niyang ito, attention DOH, grabe na 'toh!!!"

Thursday, October 18, 2012

ANNEX MEANS TO ATTACH TO

ANA: "Ang sabi ni Dean Raul Pangalangan - (. . nonexistent annexes is a shaky foundation for peace.)"

LISA: "Eh bakit ba kasi nonexistent annexes samantalang NAGBUBUNYI na ang lahat para sa tagumpay ng framework agreement, o, 'di ba?"

CION: "Walang binatbat kung gano'n 'yang framework agreement na 'yan hangga't hindi nililinaw ang saklaw ng power ng COA sa itatayong Bangsamoro. Wala naman sanang KUPITAN, puede?"

Wednesday, October 17, 2012

COLD TURKEY

ANA: "Ano'ng ibig sabihin ng cold turkey, PULUTAN?"

LISA: "Ano kah, baliw? Abrupt withdrawal of all doses, halimbawa, ng paninigarilyo. Bakit?"

CION: "Cold turkey ang pinairal nu'ng 1989 ni Sir Leo sa sarile kaya nakawala siya sa addiction nito sa yosi. Eh pa'no kasi, si Sir Leo mismo ang author ng Implementing Guidelines ng QC Smoking Ban na inakda noon ni Konsehal Cielito (Mahal) del Mundo, alam mo 'yon?"

Tuesday, October 16, 2012

SANGRE DE INDIO, SANGRE DE MORO

ANA: "Sabi ni MILF Chair Murad Ebrahim - I come in peace - eh sana lang 'wag mahaluan ng gawaing a la dugo-dugo gang."

LISA: "Sino sa akala mo ang posibleng mag-a la dugo-dugo gang, ang dugong indio o dugong moro?"

CION: "Sigurado ako na ang gagawa ng eksena, eh, dugong balasubas, 'gaya ng Abu Sayaff at mga kapanalig nina Umbra Kato at Nur Misuari, o, 'di ba?"   

Monday, October 15, 2012

SMOKING IS NOT A HABIT, IT IS AN ADDICTION

ANA: "Eh kahit pala patungan pa ng 100% tax rate ang siragilyo at alak, bibili at gagamit pa rin ang mga adik ng sigarilyo't alak hanggang sa mamatay sila sa CANCER, o, 'di ba?"

LISA: "Para mapatigil 'yung mga adik sa sigarilto't alak sa kanilang addiction, bakit hindi na lang isama sa batas ng illegal drugs para gawin din itong isang KRIMEN?"

CION: "Ang nakikita kong problema kasi kung isasama sa kategorya ng illegal drugs ang sigarilyo't alak, eh daraming tiyak ang TULAK sa PHL !!!"

Saturday, October 13, 2012

NOTICE OF DENIAL, FABRICATED

Hindi malinaw kung alam ni LRA Administrator Eulalio C. Diaz III ang talamak ng land grabbing ng BALIKATAN INC. sa mga homeowners ng Palmera Subdivisions 1, 2, 3, 4, 5 & 6 sa Taytay, Rizal?

Mahigit 2-taon na ng simulang i-harass ng Balikatan ang mga homeowners sa naturang mga subdivisions at pilit pinalalayas ng walang court order ang mga residenteng animo squatter na itinataboy porke hindi pa raw bayad sa kanilang UTANG sa Balikatan ang kanilang mga lote at bahay.

Ang ilan sa mga kapit-bahay namin ay kusang umalis na mula sa inookupahang lote at bahay sa takot na baka sila ay kasuhan at ipakulong ng Balikatan dahil sa LAND GRABBING!!! Hay, grabe.

Nag-apply ako ng adverse claim para sa aking bahay at lote na inookupahan ng tuloy-tuloy ng pamilya ko sa loob ng 12-taon (mula 2000) sa Register of Deeds-Binangonan noong September 5, 2012.

Binayaran ko ang Assessment Form and Payment Order sa halagang Php. 516.32 at nabigyan ng (Electronic Primary Entry Book Number) EPEB No. 2012008124 ganap na 14:15 (alas-2:15) ng hapon, mula kay RD-Binangonan cashier Irene B. Parvian.

Bumalik ako sa RD-Binangonan noong October 5, 2012, 'saktong isang buwan, para i-claim sana ang bagong Titulo ng aking property, batay sa Section 70, P.D. 1529, pero PINIGIL ang issuance ng aking Titulo nina Deputy Register of Deeds , Atty Hilarion Cerna Mogello, Jr. at Examiner Mila C. Buhay sa pamamagitan ng isang FABRICATED NOTICE OF DENIAL.

Ibinase ni Atty. Mogello sa Section 47 ang denial ng RD sa aking adverse claim porke meron daw DEROGATION (substantial change) sa aking pagmumukha, sa halip na derogation ng Titulo?

Pirmado ni Atty. Mogello ang Notice of Denial under Registered Land Entry Number(s) 2012008124, sa halip na EPEB No. 2012008124, subalit ang tinta na kulay berde na ipinang-pirma nito ay NABUBURA kung papatakan ng tubig, alam mo ba 'yon, Rizal RD Registrar Federico M. Cas, Sir?

Bumalik uli ako sa RD-Binangonan noong October 12, 2012 pero ng tanungin ko ang status ng aking adverse claim kay Releasing Clerk Edgar H. Naig, sinabi niyang RELEASED na raw ang aking claim! Hah?

Sabi ko, hindi ako nag-withdraw ng aking claim under under Section 117 noong nakaraang Friday, October 5, 2012 10:40:53 am, at personal na ALAM ni Atty. Mogello 'yan  porke kaming dalawa mismo ang MAGKAUSAP noong oras na 'yon.

ANA: "Kasi, nu'ng bumalik si Sir Leo sa RD para i-claim ang kanyang bagong Titulo ng lupa eh annotated na ang Title in accordance with Section 117, naku, pa'no ngayon 'yan?"   

LISA: "Eh, anong kinalaman ng BALIKATAN sa FABRICATION na 'yan ng RD-Binangonan?"

CION: " Ay, palagay ko meron. Kasi 'yung protection racketeers eh sila rin ang handlers noon ni Delfin Lee na mga pusakal na violators ng syndicated estafa, o, 'di ba?"



 




Friday, October 12, 2012

WHAT IS HAPPENING TO PHILIPPINE SENATE THESE DAYS?

ANA: "Tanong ni Dave sa Tagalog: Ano nanyayare ngayon sa senado? Merong nag-text kay 'mareng Winnie: Ay. SECRET, 'wag kang maingay!!!"

LISA: "Sabi ni Dave: Ang mga senadores traidor, nangongopya, taksil, balimbing, 2 iniwanan ng mga asawa pero 'yung isa nangalunya ng taartits (hay, puso), isang mahilig sumingit, isang taga-mungkahing sar'han ng zipper ang bibig ng Pinoy (hindi magara), isang super talinong huwes, mga taga-pagmana ng kapangyarihan at mga artista."

CION: "Totoo kayang ala-tinapang pinausukan ng pilip-mures ang utak ng mga senadores?" 

Thursday, October 11, 2012

NOTICE OF DENIAL

Narito ang buong nilalaman, verbatim, ng Notice of Denial kontra sa Adverse Claim ni Laoag A. Paras, a.k.a. Leo Paras (AnaLisaCion), ng RD-Binangonan sa kanya noong petsa October 1, 2012, ayon sa sumusunod:

"LAOAG A. PARAS
B4 L14 SAPPHIRE ST., PALMERA III., (sic) SUBD. TAYTAY RIZAL

Dear Sir/Madam:

Please be notified that this office cannot proceed with the registration of the Notice of Adverse Claim under Registered Land Entry Number(s) 2012008124 (italics mine) involving TCT 599677 base on the following  ground(s):

As can be gleaned from the petition of adverse claim presented by the adverse claimant dated 5 September 2012, the basis of his adverse claim is ADVERSE POSSESSION (all caps mine) in the year 2000.

In the case of Register of Deeds of Quezon City, et.al., v. Nicandro, 1 SCRA 1334, the Supreme Court held that an adverse claim of ownership based upon prescription and adverse possession cannot be registered inasmuch as under Section 47 of P.D. No.1529 no title in derogation to that of the registered owner (underscoring mine) may be acquired by prescription or adverse claim. Hence, the registration of such an adverse claim will serve no useful purpose and cannot validly and legally affect the land in question.

Wherefore, the recommendation of DENIAL for registration by Examiner Ms. Mila Buhay in the instant petition, is hereby AFFIRMED.

However, if you do not agree with this ruling, you may elevate the matter En Consulta to the Land Registration Authority, Quezon City, through this Registry within five (5) days from receipt hereof by paying the Consulta fee in the amount of Php. 180.00 without withdrawing said documents in accordance with Section 117 of Presidential Decree No. 1529.

*Note: Please present your claim slip to the Releasing Officer if you wish to withdraw the documents you submitted to this office.

Very truly yours,   

(Sgd) Atty. Hilarion Cerna Mogello, Jr.
(Sgd) Mila C. Buhay
                                                                                 Received by: (Sgd) Laoag A. Paras / 5 Oct 2012"

ANA: "Hindi ba parang BITAG kontra kay Sir Leo ang Notice of Denial na inisyu ng RD-Binangonan sa kanya, porke, pina-withdraw ang isinumiteng ADVERSE CLAIM sa RD sa pamamagitan ng pagpirma ni Sir Leo ng ACKNOWLEDGEMENT SLIP nu'ng October 5, 2012 10:40:53 am, na PILIT isinubo kay Sir Leo ng isang Larry, nagpanggap na si Releasing Clerk Edgar H. Naig?"

LISA: "May tama ka r'yan 'day, kasi, 'yung dahilan ni Atty Mogello at Mila Buhay eh batay sa Sec. 47 na niretoke ng RD, para umakma sa denial nilang mairehistro ang Petition ni Sir Leo sa RD for the titling of his property. Kasi, kung KUSANG binawi nga naman ang dokumento ng claimant mula sa RD, parang DOUBLE JEOPARDY na ito kapag ibinalik uli sa kanila."

CION: "Eh kasi naman super garapal ang KAMANDAG ng mga landgrabber na pinagsisilbihan ni Atty Mogello, porke 'yung pinagbabatayang legal word na DEROGATION (meaning, substantial change), sa Section 47, eh tungkol sa TITULO at hindi sa TAO. Tama ba ako, Binangonan Registrar of Deeds Federico M. Cas, Sir?"    

   

Tuesday, October 9, 2012

IT IS EXACTLY WHAT YOU THINK

ANA: "Uy, nabanggit ni CDQ 'yung buhay ni Saul na SISIW lang ang kawalanghiyaan ni JPE kumpara sa bangis at lupit noon ng Propeta, 'di ba?"

LISA: "May tama ka r'yan 'ga. Pero si Saul alias Paul eh NAGSISI ng labis-labis kay JESU-CRISTO sa pamamagitan ng pagtahak ng TUWID-NA-DAAN para humikayat ng maraming Kristiano sa buong mundo."

CION: "Pero si JPE eh OBVIOUS na HINDI NAGSISI sa pamamagitan ng hindi pag-amin sa AMBUSH-ME para humikayat ng maraming boto para kay Jack. Talagang sobra-sobra ang TAPANG (ng hiya), o, 'di ba?"

Monday, October 8, 2012

"SUPORTAHAN TAKA"

ANA: "Sabi ni CDQ - Culture will not yield to law, law will yield to culture, eh ano ba'ng ibig sabihin no'n, alam mo?"

LISA: "Culture means kalinangan in Tagalog, o kaugalian o kasanayan sa loob ng isang pamilya, angkan o tribo. Bakit?"

CION: "Korek kayo r'yan 'day. Merong kasabihang - kung ano ang puno eh siya ring bunga. 'Yan ang gustong ipairal ng mga senadores sa kani-kanilang angkan na maging politiko ring kagaya nila para SUPORTAHAN TAKA sagad-sa-buto. NAKAKAHIYA KAYO SA BUONG PLANETA !!!"

Friday, October 5, 2012

SA KAALAMAN NG PANGULONG NOYNOY, ANG REGISTER OF DEEDS - BINANGONAN, RIZAL AY HAWAK NG SINDIKATO NG LAND GRABBERS

Noong September 5, 2012 ako'y nag-file ng Adverse Claim para sa bagong Titulo ng aking lupa na kinatitirikan ng aming bahay at tinitirhan ng aking pamilya mula pa noong taong 2000 dito sa Taytay, Rizal, sa Register of Deeds, Binangonan, Rizal.

Batay ito sa Section 70 (Adverse Claim) P.D. No. 1529, at nagbayad ako noong araw ding yaon ng Assessment Form and Payment Order sa halagang Php 516.32 at nabigyan ng EPEB No : 2012008124 sa ilalim ng Official Receipt No. 1003560313 at pirmado ng cashier na si Irene B. Parvian.

Ngunit bago ako nabigyan at payagang makapagbayad ng Assessment Form and Payment Order ay nagkaroon muna kami ng mainit na argumento ni Atty. Hilarion Cerna Mogello, Jr., Deputy Register of Deeds, porke, sabi niya ay LIS PENDENS (under Court jurisdiction) umano ang aking Adverse Claim at hindi puedeng iparehistro ito sa Register of Deeds.

Pero ipinaliwanag ko, batay sa intensiyon ng batas, the registration of an adverse claim is expressly recognized under Section 70. Where the Notice of Adverse Claim is sufficient in law and drawn up in accordance with existing requirements, it become the MINISTERIAL DUTY of the RD to register the instrument WITHOUT UNNECESSARY DELAY (Adverse Claim not ipso jure cancelled after 30 days).

Batay pa rin sa aking research, ang purpose ng Adverse Claim ay para MALAGYAN ng annotation ang bagong Titulo to apprise or make aware 3rd person(s) that there is a CONTROVERSY over the ownership of the land and to preserve and protect the right of the ADVERSE CLAIMANT during the pendency of the controversy.

Kasi, annotated ang TCT No. 599677 na nasa pangalan ng FICTITIOUS na mag-asawang Carlos Mangona Jr. at Cheryl Ann Mangona sa Memorandum of Encumbrances page number 5 ng Titulo, 'gaya ng sumusunod:

Entry No. 2012000398                                                            Date: January 13, 2012   2:27 pm
CERTIFICATE OF SALE : ISSUED BY THE SHERIFF OF REGIONAL TRIAL COURT, ANTIPOLO CITY, IN FAVOR OF BALIKATAN PROPERTY HOLDINGS, INC., AS THE HIGHEST BIDDER, FOR THE SUM OF PHP 629,129.36 SUBJECT TO REDEMPTION WITHIN A PERIOD OF ONE (1) YEAR FROM AND AFTER THE DATE OF REGISTRATION HEREOF, IN ACCORDANCE WITH THE CERTIFICATE OF SALE DATED JULY 22, 2010.

Federico M. Cas
Registrar of Deeds

Ang BALIKATAN ay grupo umano ng mga landgrabber na kasalukuyang iniimbistigahan ng House of Representatives at umano'y may PROTEKSIYON a la Delfin Lee mula sa mga hoodlum-in-robes, mga taga-BIR, RD at Treasurer's and Assesor's Offices sa buong bansa !!!

Kumpleto ang bayad at walang utang sa amilyar ang aking inaangking propiedad at pawang namumunga na rin, makalipas ang labing-dalawang taon, ang mga puno ng mangga, kaimito, bayabas at atis na personal kong itinanim noong dumating kami at ariin ang lupa at bahay ng aking pamilya sa pamamagitan ng Adverse Possession.

Sa halip na magkaroon kami ng Title by Prescription mula sa RD, eh bakit NAISUBASTA ng Provincial Treasurer, Taytay Assessor's Office at pinanalo naman ng RD ang BALIKATAN, Inc. samantalang tuloy-tuloy na naninirahan ang buong pamilya ko sa naturang property sa loob ng 12-taon?

Ayon sa rules - "The settled doctrine is that the effects of a foreclosure sale retroact to the date of registration of the mortgage."

So, siguradong BISTADO at talagang hindi maikakaila ang gawain ng sindikato, partikular sa kasong ito, dahil sa Notice of Denial ng RD sa aking Adverse Claim, kabilang na rito ang mismong Provincial Treasurer's at Assessor's Office ng Taytay, Rizal, porke, nagkutsabahang ISUBASTA nila ng hindi ko alam ang aking property habang nakatira kami roon ng pamilya ko at walang utang sa amilyar.   

Narito ang pinagbasehan ng NOTICE OF DENIAL ng RD-Binangonan sa aking Adverse Claim at pirmado nina Atty. Hilarion Cerna Mogello, Jr. at Mila C. Buhay, viz;

"In the case of Register of Deeds of Quezon City, et.al. v. Nicandro, 1 SCRA 1334, the Supreme Court held that an adverse claim of owenrship based upon prescription and adverse possession cannot be registered inasmuch as under Section 47 P.D. No. 1529 no title is derogation to that of the registered owner may be acquired by prescription or adverse possession. Hence, x x x. ."

Narito naman ang EXACT WORDING ng P.D. No. 1529, Chapter IV (Certificate of Title), Section 47, as follows;

"Registered land not subject to prescription. No title to register land in derogation OF THE TITLE of the registered owner shall be acquired by prescription or adverse possession." (all caps mine)

Ang word na DEROGATION, batay sa legal meaning nito sa English, ay - SUBSTANTIVE CHANGE.

ANA: “Wala naman palang mali sa Section 70 (Adverse Claim) ni Sir Leo eh pa’no ngayon ipatutupad ng RD ang Notice of Denial na inisyu ni Atty. Jun Mogello base naman sa RETOKADONG Section 47 na inimbento nito?”

LISA: “Obligasyon na irehistro, ipso jure (by the law itself), ang Adverse Claim ni Sir Leo ng RD pero PILIT siyang pinapirma ng Acknowledgement Slip, dated 9/5/2012 14:15 ni Edgar H. Naig na KUNWARI eh binawi na ni Sir Leo at hindi na itutuloy ang adverse claim nito sa RD under EPEB No. 2012008124 sa utos ni Atty Jun Mogello !!!”

CION: “At saka pinagbabayad pa sa cashier ni Atty Jun si Sir Leo ng P180 para sa KUMPIRMASYON ng withdrawal kunwari ng kanyang claim, kaya lang eh walang datung si Sir Leo, pero, hawak naman lahat niya ang kumpletong EBIDENSIYA vs crime syndicate.”
















 
 














        








    









   

Thursday, October 4, 2012

PALUSOT

Ang "malum in se" (legal parlance) na ginamit na argumento ni Dean Pangalangan, batay sa bokabularyo ni Cong Rudy Farinas ng Ilocos Norte, eh PALUSOT !!! 

Wednesday, October 3, 2012

POLITICAL DYNASTIES STRADDLE THE ALPHABET

ANA: "Hindi ba ang Election 2013 eh kauna-unahang magaganap sa Pilipinas na posibleng meron malaking impluwensiya ang NETIZENS para wakasan na ang political dynasties who straddle the alphabet?"

LISA: "Ay sinabi mo. Kaya nga nagkukumahog ang mga utak iskul-bukol na senadores na kagyat na ipatupad ang cybercrime law para sagkaan ang mga blogger sa nagbabadya nilang paggupo sa political dynasties thru INTERNET, alam mo 'yun?"

CION: "Hindi ba 'yung lucky-13 na bumoto sa SININGITANG cybercrime law eh lahat sila'y kabilang sa political dynasties? Marahil eh nasa hinagap na nila ang mala-ONDOY na bagsik ng netizens kumpara sa people power sa Edsa para tuluyang ISADLAK ng political dynasties sa Pilipinas, o, 'di ba?" 

Tuesday, October 2, 2012

DAGDAG-BAWAS

ANA: "Ang tanong ni CDQ, bakit 'di na lang pagsamahin umano bilang SUPRAPARTY ang LP at UNA para bahala na ang Pinoy na mamili ng iboboto mula sa supraparty?"

LISA: "Korek na r'yan 'ga. Kasi naman eh pare-pareho rin ang pamilya ng mga politikong 'yan ng adhikain. Para MANILBIHAN ng SABAY-SABAY bilang senador, congressman, gobernador, mayor, bgy capt o maging KB chaiman para magtamasa ng KUARTA, KAPANGYARIHAN at KAPAL NG MUKHA, alam mo 'yon?"

CION: "Uy, natumbok n'yo 'day ang tunay na adhikain ng mga pulpolitiko. Sa pamamagitan ng DAGDAG-BAWAS eh kailangang maka-puesto ang isang political dynasty member ng sinusungkit na puesto para pagsamantalahan ang mga BOBONG botante. Araguy!!!"

PINOYS ALSO DO NOT RESPECT THE CONSTI

ANA: "Sabi ni Neal Cruz ang LP at UNA eh pawang walang respeto sa ating Saligang-Batas. Eh bakit?"

LISA: "Pa'no kasi, ama, ina, anak, kapatid, asawa eh sabay-sabay silang gustong MANILBIHAN sa gobyerno bilang senador, congressmen, gobernador, mayor dahilan sa iisang ADHIKAIN - magtamasa sila ng KAPANGYARIHAN at KUWARTA !!!"

CION: "Samantala, tayong mga botante naman eh wala ring HABAS kung magtapon ng basura sa mga lansangan, ilog, dagat at maging sa himpapawid kung kaya ang NGITNGIT ng kalikasan eh bumabalik sa Pinoy. Samakatwid, lahat ng Pinoy na Politiko, Huwes at pangkaraniwang botante, eh, pawang mga WALANG DISIPLINA !!!"    

Monday, October 1, 2012

NETIZENS

ANA: "Meron bang English word na netizen? Ano naman ang ibig sabihin n'yon kung meron man, alam mo?"

LISA: "Ay, 'ala ka palang binatbat sa bukabolaryo, 'ga. Ang netizen eh coined word patungkol sa mga gumagamit ng INTERNET, 'gaya ng mga blogger."

CION: "Korek ka r'yan 'day, ang galing mo. 'Yung ipinuslit para ISINGIT sa Phl cybercrime prevention bill ni Ed Angara at sa sulsol ni Tito Sen, eh tatamaan ka ng asuntong LIBELO (mula sa mga onion skinned pulpolitiko) kahit saang lupalop ka ng planeta naroroon porke walang BOUNDARY ang air space, o, 'di ba?"

Sunday, September 30, 2012

"IT DOES RILE, EN OR OTHERWISE"

ANA: "Ano ba'ng ibig sabihin ng rile, alam mo?"

LISA: "Ay, an'dali-dali naman ng tanong mo. RILE means to annoy or anger, irritate."

CION: "Eh 'yung english word na EN, ibig sabihin naman eh put in or on. So, kung pagsasamahin mo ang EN at RILE, ibig sabihin - (patuloy na binabastos ni Enrile ang Pinoy), intiende?"  

Saturday, September 29, 2012

POSTURES OF POWER

ANA: "Bakit na-censor ng Disqus 'yung comment ni Sir Leo hinggil sa column ni Randy David, entitled, Postures of Power? Meron bang kinalaman ang bagong cybercrime law?"

LISA: "Oo nga 'day. Kasi, ibinida kasi ni Sir Leo na hinuli at ikinulong noong martial law sa Camp Crame ng Metrocom ang isang grupo ng League of Filipino Students (LFS) na nagtitipon sa UP at nakasama ang kanyang pamangkin na babae na graduating sa kanyang kurso sa darating na buwan ng Marso bilang cum laude."

CION: "Sumulat ang ate ni Sir Leo at inihatid ng personal ni Sir Leo kay Defense Minister JPE ang sulat na masidhing nakikiusap na payagan sanang maka-attend ng graduation rites ang kanilang pamangkin. Pinayagan namang makalabas sa kulungan ng Metrocom ang pamangkin sa utos ni JPE, samantalang ang mga kagrupo nito eh inilipat (DAW) ng kulungan sa Camp Bagong Diwa, Taguig, ngunit lahat sila eh NAGLAHO na parang bula hanggang sa ngayon. Edad 51 na ang pamangkin ni Sir Leo at kasalukuyang mayor ng isang bayan sa Nueva Ecija."

Friday, September 28, 2012

WHO WILL STAND BY HEIDI?

ANA: "Si Packman an'daming koleksiyon ng sapatos a la Imeldita pero 'di man lang niregaluhan noon si dating DILG Sec Jesse para 'wag nang palaging naka-tsinelas, alam mo 'yon?"

LISA: "Oo nga eh. Kasi kapag naka-tsinelas ka lang, eh malamang na 'di ka kukumpirmahin ng Commission on Appointment (CA), 'gaya ng ginagawa nila ngayon kay COA Comm Heidi, o, 'di ba?"

CION: "Kung naka-tsinelas lang pala si Comm Heidi dahilan para HINDI siya kumpirmahin ng CA eh ipaglalaban siya ng mga SAKA-SAKA na ka-grupo ng Mob Rally na pawang naka-tsinelas!!!"  

Thursday, September 27, 2012

CYBERCRIME LAW ILLEGAL

ANA: "Kung hindi babawiin ang approval ng RA 10175, posible bang makasuhan din ng LIBEL ang lahat-lahat na nagdedebate rito sa DISQUS?"

LISA: "Ay, malamang. Kasi naman si Tito Sen napikon yata na SINOTTO (plagiarized) lang daw niya ang madamdamin niyang privilege speech sa Senado hinggil sa RH bill porke inuulan siya ng batikos sa internet."

CION: "Kaya siguro nagpursiging maige si Tito Sen na isulong ang RA 10175 para malagyan ng zipper ang bibig ng mga nagdedebate rito sa DISQUS, kaya naman matinding nag-iingay ngayon ang mga hackers. Pakiusap lang, ITIKOM ANG BIBIG. Translation sa salitang ingles - PUT TONGUE IN A NEW !!!"

Wednesday, September 26, 2012

STORIES, POWERFUL WAY TO MAKE THE PAST PRESENT

ANA: "Meron bang subject sa school na nagtuturo sa pupils hinggil sa history ng martial law?"

LISA: "Pa'nong maituturo sa mga students ang history ng martial law eh buhay pa ang mga CULPRITS at hanggang sa ngayon eh namamayagpag pa rin sa kapangyarihan?"

CION: "Gumawa na lang ng sine ang ISKUL BUKOL produced ni Tito Sen at si Bongbong sa papel ng amang si FM at Bong Revilla sa papel na JPE, o, bongga, 'di ba?" 

Monday, September 24, 2012

FLAG CEREMONIES INSPIRE PATRIOTISM

ANA: "Sa desisyon mismo ni Justice Carpio noong March 25, 2009 eh puedeng sampahan ng administrative case ang sinomang gov't employee ang AYAW magpartisipa sa Flag Raising Ceremony tuwing Lunes."

LISA: "Eh sino kaya ang mangangahas na magsampa ng reklamo vs Carpio porke tatlong beses na itong AYAW mag-attend ng flag raising ceremony sa SC, meron ba?"

CION: "Tunay na PATRIOTIC kung sinoman ang magsasampa ng complaint laban kay Carpio, kagaya ni JPE, na patriotic para sa paghahati-hati ng Camarines Sur sa utos ni GMA, 'di ba?" 

SUB ROSA

ANA: "Medyo nakakabawi na sana si JPE sa kanyang AMBUSH ME role re: Martial Law, eh bakit sumawsaw na naman siya at PINAGDIRINGAS ang hidwaang Phl vs China sa West Phl Sea?"

LISA: "Nagawa ni JPE na isiwalat ang SIKRETO (sub rosa) ng bansa para lang mawala ang atensiyon ng Pilipino sa ibinulgar ni Trillanes porke HINAHATI ni JPE ang Camarines Sur sa utos ni GMA !!!"

CION: "Samakatwid, si JPE ang tunay na TRAYDOR at hindi si Trillanes, gano'n ba?"

Sunday, September 23, 2012

JPE, TRILLANES, NAGPAPATAASAN NG IHI?

ANA: "Sabi ni CDQ kapag dyuminggel umano ng sabay-sabay ang isang bilyong Tsekwa sa West Phl Sea eh dadapurakin daw ang Pilipinas ng tsunami9. Totoo kaya 'yon?"

LISA: "Sa na eh magsakripisyo para sa Pilipino sina JPE at Trillanes na tumayo sa scarborough shaol para hintaying hampasin sila ng tsunami ng ihi ng Intsik mula Tsina, para tuluyang malunod sila, o, 'di ba?"

CION: "Sa palagay n'yo ba eh isasakripisyo nina JPE at Trillanes ang kanilang sarili para maging bayani at sumisid at huwag ng lumutang pa sa tsunami ng ihi ng Tsekwa para lang sagipin ang scarborough shaol?"

Saturday, September 22, 2012

CAMSUR IS ANOTHER ISSUE

ANA: "Ano ba'ng dahilan kung bakit napalaot ang isyu ng pinag-aagawang West Phl Sea/South China Sea?"

LISA: "Pa'no kasi eh sadyang NILABUSAW ni JPE sa Senado na animo siya a la Buteteng-Laot para tuluyan niyang maipalaot at matakpan ang EXPOSE ni Sen Trillanes re: Nueva Camarines."

CION: "Mapang-LABUSAW talaga ng isyu ang ugali ni JPE porke hanggang ngayon eh AYAW aminin nito na GAWA-GAWA lamang nila ni FM ang (ambush-me) noong September 21, 1972 dahilan para ibaba NILA ang martial law sa Phl. TIKOM din ang kanilang bibig sa tunay na isyu hanggang sa paghahati-hati ng CamSur pabor kay GMA. TONGUE-IN ANEW !!!" 

Friday, September 21, 2012

TRAITOR

ANA: "Sa tingin mo, sino kina Senators Enrile at Trillanes ang traydor sa Bayan, ang beterano o ang bagito?"

LISA: "Para sa akin, ang TRAYDOR sa Bayan eh naging alipin ng traydor ding mga dating presidente."

CION: "Tumpak ka r'yan 'day. Si Enrile kasi eh naging ALIPIN nina FM at GMA, samantalang si Trillanes eh kaibigan naman ni PNoy, o, 'di ba?"

Thursday, September 20, 2012

JPE: AMBUSH WAS STAGED BY MARCOS

ANA: "Sinulat ni FM sa kanyang diary, 9:55 pm Sept 22, 1972 - (Sec Juan Ponce Enrile was ambushed near Wack-Wack at about 8:00 pm tonight. It was a good thing he was riding in his security car as a protective measure. This makes the martial law proclamation a necessity.)"

LISA: "Noong 1986 Edsa People Power, inamin ni JPE na KUNWARI lang ang pag-ambush sa kanya ng rebelde o komunista sa intensiyong papaniwalain ang Pilipino para sugpuin ang panggugulo ng mga rebelde o mga komunistang ito sa buong bansa."

CION: "Kung gano'n, dapat pa bang paniwalaan si JPE sa bintang niya ngayon kay Sen Trillanes na isa umanong traydor ito o kaya naman eh totoong LACKEY ngayon ni GMA si JPE 'gaya ng alipin din siya noon ni Marcos?"    

PA'NO BA ANG TUNAY NA PILIPINO?

ANA: "Pa'no mo ba mapatutunayan ang isang tunay na Pilipino, SLANG kung makipag-debate sa salitang ingles at GARIL kung managalog, hah?"

LISA: "Peke lahat 'yang mga hindurupot na 'yan, porke, itinatago ang pagkakakilanlan sa kanila sa pamamagitan ng kanilang mga aliases, o, 'di ba?"

CION: "Ang tunay kasing isyu sa Trillanes-Enrile word war eh 'yung paghahati sa probinsiya ng Cam Sur, hindi ang kung sino ang nagmamay-ari ng West Phl Sea/South China Sea. Twang-ina n'yo!!!"

TEST CASE

ANA: "Wento ng wento, wala namang wenta. Kasi, wala ring ebidensiya, o, 'di ba?"

LISA: "Sana, sampahan ka, Mon Tulfo, ng cyber crime ni Mrs. Gutierrez bilang buena-mano sa bagong batas na masi-sentensiyahan. Naku, maraming masisiyahan, promis."

CION: "Kunin mong defense lawyer si Midas Marquez kung kaya ng budget mo. Pero kung hindi naman, gatasan mo muna 'yung mga baka mo. Hindi ka ba sinusuwag ng mga 'yan?"

Wednesday, September 19, 2012

TRILLANES WALKED-OUT OF THE SENATE

Ang laro talaga ni Lolo JPE, magmula pa noong martial law, eh DIVIDE AND RULE. Ngayon ang tamang panahon para mapatunayan kung epektibo pa rin ang ralong ito ni JPR re: Nueva Caceres. Pupusta ako pabor kay Trillanes !!! Bet?

Monday, September 17, 2012

PNOY, CREATOR AND PROTECTOR OF PUNO?

ANA: "Ano ba sa tagalog ang salitang INSINUATION, as in, insinuation ni Brenda Mage?"

LISA: "An'dali-dali 'di mo alam? Ang ibig sabihin eh - mga PAUTOT ni Brenda Mage !!!"

CION: "Korek kayo kapwa r'yan mga amiga. 'Yun kasing insinuation o pautot ni Brenda eh pulos butata ang STORYLINE, ayon kay CDQ. So, 'yung halimuyak na taglay ng utot ni Brenda, eh todo-buelta at DINAPURAK mismo siya para singhuting mag-isa niya. Gusto marahil ni Brenda na ipamalas sa mga Pinoy, na komo dati raw siyang RTC Judge, eh dapat na maniwala ang Pinoy sa mga pautot niya a la mga ANAK-NG-TUPA na kakatayin sa matadero. Hellowww?!!!"