Sunday, April 28, 2013

ADVERSE POSSESSION

Ang legal meaning ng Adverse Possession - Open occupation of real property without title or permission of the person holding title. - Legal Dictionary, compiled by M.H. Guandolo.

Ang sinoman na merong adversed possession property nang 10 years o higit pa at kompleto ang bayad sa amilyar ay puedeng mag-file ng petition sa Register of Deeds for Adverse Claim (tax exempt) of property in favor of adverse possessor.

Ayon ito sa Section 70, Presidential Decree 1529, hindi batay sa Lina Law na isinasaad sa kolum ni Neal Cruz, porke ang isang sukat ng lote ay dapat na iisang pamilya lamang ang umookupa.

Samantala, ang informal settlers under Lina Law ay nagsisiksikan ang maraming pamilya sa iisang sukat ng lote at hindi rin sila nagbabayad ng karampatang amilyar, siempre, lugi ang may-ari ng property at ang gobyerno sa kanila, o, 'di ba?

ANA: "Pero ang Section 70, PD 1529 eh ayaw gamitin o ipatupad ng Register of Deeds sa buong bansa. Bakit kaya?"

LISA: "Tila merong kinalaman ang nagpapatakbo sa sindikato ng land grabbing ala-Delfin Lee syndicated estafa case na bumibiktima sa homeowners nationwide, 'di ba?"

CION: "This scenario was the same in 57 provinces where the original loans were with the National Home Mortgage Finance Corp (NHMFC). Drowning with 52,289 high-deliquency mortgage loans, a DISPOSAL STRATEGY was cooked up by NHMFC with the blessings of former NEDA Director-General Augusto Santos, former President Gloria Arroyo and former VP and HUDCC head, Noli de Castro."     

No comments:

Post a Comment