Tuesday, April 23, 2013

PROTECTION MONEY

Ang sinusundang modelo ng CPP-NPA ay ang terorismong ipinalasap sa mundo ng Palestine Liberation Organization (PLO) ni Yasser Arafat, ang kinikilalang hari ng mga terorista sa buong mundo.

Ang Al Fatah, ang pinakakilabot sa grupo ng PLO umbrella ay kumita ng $200 million noong 1975, ayon sa report ng Time Magazine.

Walang kahirap-hirap na kumita ang Al Fatah ng malaking halaga bilang DANEGELD (protection money) porke kusang ibinibigay ito sa kanila mula sa malalaking negosyo ang danegeld upang hindi mag-aktibo ang Al Fatah laban sa mga negosyong ito na target biktimahin na nakabase sa Europe, Middle East, Africa at kabilang ang Israel.

Ang mga contributors ay nauna nang mga biktima, 'gaya ng high jacking ng mga airline companies, raid sa mga bangko at kidnappings at nagkukusa na silang magbayad ng TAX, maliban sa Israel, para hindi na sila muling gawan ng terroristic acts.

Ang formula na ito ni Arafat ang gustong sundan at gayahin ng CPP-NPA, 'gaya ng tangkain na maningil ng danegeld kay Mayor Ruth Guingona na nauwi sa pag-ambush sa grupo ng huli at ikinamatay ng dalawang bodyguard ng mayor.

ANA: "Bukod sa checkpoint ng NPA eh wala na ba silang maisip na mas malaking dahilan para magpa-iral ng extortion sa mga politiko tuwing sasapit ang eleksiyon"?

LISA: "Eh pa'no makakakilos ng ala-Al Fatah group ng PLO ang CPP-NPA sa klase ng mga baril nila na ginamit pa no'ng world war 2, 'gaya ng carbine, teka-teka revolver at molotov bombs, o, 'di ba?"

CION: "Oy, 'wag mong ismolin ang CPP-NPA. Meron din silang arsenal ng makabago at malalakas na armas, kaya nga lang, kulang sila sa supply ng bala. Kasi, 'yung mga makabagong armas eh naipon nila galing sa mga inambus nilang mga sundalo at pulis, o, getz mo?"

No comments:

Post a Comment