Sunday, April 7, 2013

REVIEW LAWMAKERS' PAY

ANA: "Parang ginamit na noon ang gimmick na 'to ni senator candidate Eddie Villanueva. Naalala mo pa ba?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Noong panahon ni Strongman Ferdinand Marcos eh ipinagwagwagan pa nito sa tri-media na hindi siya tumatanggap ng suweldo bilang presidente mula sa gobyerno. Bagkos, ipinamumudmod daw niya ito sa kawanggawa porke kakatiting lang naman kumpara sa intel funds and other benefits nito, o, 'di ba?"

CION: "Ay, sinabi mo. Ang dapat na gimmick ng mga kandidato para manalo eh isabatas na tanggalin (100 %) ang pork barrel ng lawmakers at intelligence funds ng executives ng local and national governments at ibigay na lamang ito sa AFP/PNP. Kapag nangyari ang ganito, sigurado akong mawawalang kusa ang political dynasty, sumpa man!!!"

No comments:

Post a Comment