Saturday, April 20, 2013

BOSTON ERUPTS IN JUBILATION

Ang paniniwala ng mga terorista eh ang acts of violence daw 'gaya ng pambobombang ginagawa nila, eh hindi isang krimen porke acts of violence din umano ang ginagawa ng US Military sa pambobomba nito vs Vietcong noong Vietnam war at sila'y kinilalang mga bayani sa halip na kriminal.

Bagkos, isa raw itong rebolusyon, tulad nina George Washington at Andres Bonifacio na kapwa nanguna ng malawakang rebolusyon sa kani-kanilang bansa?

Kung itinuturing umano na freedom fighter ang bansang Amerika o kaya eh ang Pilipinas, eh 'di walang duda na freedom fighter din umano ang mga terorista o ang Abu Sayaff sa kaso ng Pilipinas?

Batay sa chapter 3 na merong subtitle: Terrorists: Behind the Mask ng librong The Terrorists na sinulat nina Christopher Dobson at Ronald Payne on page 43 - "Their campaigns involve guerilla and terrorist leaders who, unlike the guerilla troops of the Irish and the Palestinians, have received better than average educations and often come from prosperous families. They can afford the intellectual luxury of launching themselves into violent politics without the pressures of poverty to drive them on."

ANA: "Sino-sino ang mga sikat na politiko sa mundo na itinuturing din na leader ng terorista? Sige nga, magsabi ka ng mga pangalan kung matalino ka?"

LISA: "Sisiw lang sa akin 'yan 'ga. Una, (hindi ito 'yung 3-Kings, noh?) si Yasser Arafat ng Palestine Liberation Organization, nai-porma kasi niya ng sikreto ang Black September as the terrorist arm of Al Fatah, o, 'di ba?"

CION: "Korek ka r'yan, 'day. Si Yasser Arafat eh isang tunay na DOBLE-CARA, porke, bukod sa tunay na bayani siya ng mga Palestino, eh tunay na terorista rin siya sa buong mundo. Unang-UNA, marami ang gustong gumayang pulpolitikong Pilipino sa abilidad ni Yasser Arafat, peksman!!!"  

  



No comments:

Post a Comment