ANA: "Hindi ba low-cost housing projects din ang ginagawang racket ng DB Global Opportunities alias BALIKATAN o BFS at nandugas ng more than P13 Billion mula sa 52,289 homeowners mula 57 provinces? Kumusta na kaya ang isinasagawang imbestigasyon tungkol dito ng NBI, alam mo?"
LISA: "Ang pagkakaalam ko'y nagpadala na ng mga subpoena ang NBI. Sa tingin ko kasi eh mas grabe ang sistematikong pangungulimbat ng alias Balikatan o BFS ni Federico Y. Cadiz, Jr., DB Global Opportunities president, kesa kay Delfin Lee ng Asiatique Globe, porke P7 Billion lang ang nadugas ni Lee mula sa home buyers sa Pampanga province."
CION: "Mas sistematiko kasi si Cadiz. Batay sa documentary evidence na hawak ni Sir Leo eh NILUTO ang (disposition strategy) na ito sa National Home Mortgage and Finance Corporation with the blessings of former NEDA Director-General Augusto Santos at aprobado nina former prez Ate Glo at Veep Noli de Castro bilang HUDCC head noon."
No comments:
Post a Comment