Sunday, April 21, 2013

MONEY IS THE FUEL OF TERRORISM

Walang duda na ang nagpapatakbo ng isang terror group eh kailangan ng isang malaking budget. Ito'y para maisakatuparan ang kanilang misyon, ang magsagawa ng mga pambobomba laban sa publiko.

Subalit hindi na tulad ng dati na ang mga terorista eh nagtatago sa kanilang mga lungga habang naghihintay ng pagkakataon kung kailan sila maghahasik ng panggugulo. 'Gaya ng magkapatid na umatake sa Boston marathon, they enjoy lifestyles equal to those of the riches sections of the affluent society.

Kung ihahambing sa teroristang Abu Sayaff, sila'y nagpupuslit palabas ng bansa ng marijuana for delivery sa ibang bansa. Ang mga deliveries na ito eh two-way business porke ang kapalit ng marijuana eh mga bala, baril at material sa paggawa ng bomba paid for with the drug profit.

ANA: "Totoo nga bang ang tri-media ngayon eh TH para maka-scoop, kaya lang, palpak? Kasi, dark-skinned male ang unang sinabing inaresto sa Boston bombing ng CNN Reporter na si John King, o, 'di ba?"

LISA: "Halata ngang trying hard (TH). Hindi naman kasi maitim kundi maputi at angelic face 'yung suspect sa bombing at sinabi mo pang crush-na-crush mo. Ay, 'kakaloka talaga."

CION: "Sabi nga ni CDQ eh nakikipag-unahan ang tri-media laban sa internet sa paglalabas ng malalaking balita sa buong mundo para maka-scoop. Pero kung mali-mali naman ang ibabalita ng tri-media, eh malamang na walang tatangkilik sa kanila. Ang bottom line, LUGI ang negosyo. So, magsara na lang, buti pa!!!"  










No comments:

Post a Comment