Monday, April 8, 2013

EVERYONE KNOWS IT

ANA: "Hindi ba anak ni Congressman, dating senador at AFP CoS Pong Biazon si Customs Commissioner at former Cong. Ruffy Biazon? Sa lawak ng experience ng mag-ama bilang tagapagpatupad ng public service, eh, napapaikutan pa rin ba sila, re: oil smuggling?"

LISA: "Ay, mali naman 'yang tanong mo 'ga. Ang dapat na tinutumbok ng tanong mo eh - Magkano ang quota para sa Customs commissioner para maipasok ng walang abala ang smuggled oil products deretso sa mga gasoline stations ng hindi nagbabayad ng buwis na umaabot sa P40 Billion kada taon?"

CION: "Iyan kasing oil smuggling na 'yan eh alam na ng lahat ng tao, maliban lang kay Ruffy Biazon at ama nitong si Pong Biazon na kapwa DUMINANTE ('dumi-nang-tenga). Hintayin na lang nila ang pagdating ni outgoing-senator Ping Lacson bitbit ang kalembang nito para iparinig ang repeke sa duminanteng mag-ama. 'Yun na!!!"

No comments:

Post a Comment