Wednesday, April 24, 2013

TACTICS AND STRATEGY

Wala namang misteryo sa tactics and strategy ng NPA re: permit-to-campaign porke kada eleksiyon eh sadyang ipinako-cover nila sa Media ang mga violent events laban sa mga kandidatong tumatangging magbigay ng tong.

First and foremost, 'gaya ng paglalagay nila ng checkpoints para ang tumanggi at pumalag sa kanilang pangongotong ay raratratin, tulad ng ginawa sa grupo ni Mayor Ruth Guingona.

Bilang magic formula, ay naglulunsad din ang NPA ng assassination of political leaders and other well known people at saka aaminin sa Media na sila ang may kagagawan ng "pakikibaka" para sa kapakanan umano ng Pinoy! Susmaryopes naman. . .

ANA: "Sino kaya ang nagbibigay ng seminar sa mga NPA na gumawa ng karahasan laban sa taong-bayan? Sila ba 'yung mga opisyal ng gobyerno na kilala ring maka-kaliwa?"

LISA: "Meron isang kumakandidatong senador na kasalukuyang congressman ng party list group ang opisyal din DAW ng NPA. Kilala mo ba 'yon?"

CION: "Siempre. Pero 'wag sana siyang manalo para 'di mahaluan ng maka-komunista o terorista ang senado, kasi, tiyak na magkakaroon ng labo-labo roon, porke merong centrist vs rightist vs leftist, o, 'di ba?"






No comments:

Post a Comment