Friday, August 21, 2015

BANANA REPUBLIC

ANA: "Araguy! Parang kandilang NATUTUNAW na unti-unti ang Supreme Court dahil sa huMONEYtarian considerations ng punietang, este, ponenteng si aso justiis Lokong Beermanen at inayunan din ng 7 pang aso justiis para palayain si Tanda mula sa kalaboso! Nakanang-ina, huuu! Itong si Beermanen eh hindi maitatangging HAYOK talaga sa paglamon ng saging (kasama ang 7 pang goblins) that is why he looks like a GOBLIN (kalahating tao, kalahating UNGGOY) 'tsaka itatapon ang pinagbalatan sa PINOY!"

LISA: "Talagang PERILOUS (mapanganib) ang sinuong na'to ni aso justiis Lokong Beermanen at ITINAYA, dahil sa huMONEYtarian considerations, ang reputasyon ng buong SC para palayain si Tanda sa kasong PLUNDER na WALANG PIYANSA, base sa isinasaad ng Constitution. So, sumambulat din ang galit ni DoJSec LdL at nakikisimpatya sa ngitngit ng Pinoy laban sa 8 aso justiis. Sukat bang isadlak nila bilang BANANA REPUBLIC uli ang Phl, 'gaya no'ng panahon ng Kastila na inuUNGGOY ang Pinoy?"

CION: "Totoong FETID (mabantot) ang special grant of bail na'to para ke Tanda na idinaan pa mandin sa botohan ng majority SC justices? Pa'no kase, iba ang pinapirmahang dokumento ng ponietang o ponenteng aso justiis Lokong Berrmanen kesa pinagdebatehan ng mga justices, ayon mismo ke Asso Justice Marvic Leonen. Sabi ni Asso Justice Leonen: unbelievably fortunate, huMONEYtarian considerations is tailor-made for Enrile. No legal basis, neither in Rules of Court nor found in any provision of the Constitution! O, kitam?"  

No comments:

Post a Comment