Sunday, August 9, 2015

LENI ROBREDO TO RUN AS MAR RUNNING MATE?

ANA: "Unang-una, hindi talaga maganda ang ipinamamalas (PADUDING) ni Sen Grace Poe sa mga intelligent voters (class A & B) na pahele-hele ang desisyon nitong tumakbong katandem ni Mar, or, katandem as VP niya si Chess Scud? Alam ng class A & B voters na ang imamanehong sasakyan (LP political machinery) ni Mar eh FULLY LOADED, kumpara sa IPAHIHIRAM na sasakyan ke Grace ng mga negosyante pero 'alang gasolina, bukod pa sa malambot lahat ang mga goma. So, pa'no AANDAR???"

LISA: "Madaling paandarin ng mga negosyante ang imamanehong sasakyan ni Grace, katandem niya si Chess. Siempre, kakausapin muna ng MASINSINAN ng mga negosyante ang Grace-Chess tandem kung pa'no nila maisosoli ang GASTOS ng mga negosyante KUNG paaandarin ng maayos ang sasakyang ipamamaneho ke Grace para siguradong mananalo sila sa eleksiyon? Alam naman ng mga negosyante na ang mga BOBOto para kina Grace at Chess eh galing lahat sa class C, D & E, kaagaw si Nognog, o, 'di ba?

CION: "Aninag ko na ang 3-cornered fight, peksman! Magta-tandem under LP sina Mar & Leni, Sina Grace-Scud tandem naman ang kandidato ng mga negosyante. Kung halimbawang si Grace ang mananalo, TATABO ng walang-limit ang negosyo ng mga negosyante pero 'di magbabayad ng tamang buwis, o, ha! Samantala, kung papayag si Bongget Marcos sa alok ni Nognog na sila ang magka-tandem, inaasahan ni Nognog na madadala siya ng BOBOtantes ng solid-north kuno ni Bongget? Ay, Marcos-Marcos manen?"    

No comments:

Post a Comment