ANA: "Kanya-kanya nang PAYANIG ng opinyon ang mga BINAYaran ac/dc media pipol, at ayon nga sa kolum ni John Nery ng PDI ngayong araw, 'Binay's path to victory' o, ha! Kung isasaalang-alang kase ni John ang pagKALAS ni Nognog sa Gabinete ni PNoy, eh ganito rin ang naging isyu noon laban ke Doy Laurel when Doy openly BROKE AWAY from Tita Cory, he was PUNISHED in the public opinion polls sa pagitan mula Oktubre 1986 - Oktubre 1987! Doy's net satisfaction rating FELL from +44 to -5, see?"
LISA: "Ay, sinabi mo. Ako eh naniniwala sa kasabihang history repeats itself, peksman. 'Yung ipinakitang pagka-TRUCULENCE (kabangisan) ni Dayunyor laban sa Order ng Ombudsman against him eh gawain lamang ng mga salaula (UNCIVILIZED) at mga hampas-lupa (UNCOUTH) na taga-Makati? Sabagay eh, BINAYaran naman sila sa pagsunod sa UTOS ni Dayunyor sa kanilang hanay 'tsaka libre silang lahat na kumain ng ALTANGHAP (almusal, tanghalian at hapunan) sa DYALIBI, plus P500/day allowance! Kitam?"
CION: "O, kung saan-saan na bumaling 'yang tinatalakay mong isyu 'day! Ang agenda kase natin eh 'yung tungkol sa palipad-hangin ni John na Nognog's path to victory kuno, 'di ba? So, ano sa tingin mo, straight path o CROOKED path ang tinatahak ng pangangampanya ni Nognog para panggulo? Pinayagan kaya si Nognog ng COMELEC na mangampanya ng maaga sa 600 sister towns & cities nationwide? 'Lamobang ang BISA ng political machinery na'to ang gamit din no'ng 2013 elections kaya nanalong senator si Nang Si?"
No comments:
Post a Comment