ANA: "Naks ha! Allegoric (MATALINGHAGA) naman talaga ang padrama ng panliligaw ni Mar ke Leni, 'di ba? Pero, naintindihan naman 'to marahil ni Korina na POLITIKA LANG 'to para pasagutin ng OO si Leni upang maka-tandem ni Mar bilang VP sa pagtakbo nito sa panguluhan, o, ha! Sa ika-3 anibersaryo kase ng kamatayan ni Jesse na nakalibing sa Naga City eh itinakda ni PNoy at Mar, kasama ang Cabinet members na bibisita sa puntod ni Jesse, ang dating DILG secretary na namatay dahil sa plane crash. RIP."
LISA: "Ay, sinabi mo. Totoong allegoric, kase nga eh malaki ang kinalaman ng mga patay sa politika sa Phl. Tingnan mo, no'ng barilin sa tarmac ng MIA si Sen NINOY ng mga soldados ni Strongman Ferdie, eh nakilala WORLDWIDE ang housewife niyang si Tita Cory, dahilan upang mapatalsik ni Tita Cory si Ferdie thru PEOPLE POWER! So, no'ng pumanaw naman si Tita Cory eh siya ring naging dahilan upang humalili rin sa panguluhan si PNoy, o,'di ba? Merong pumupuna kase bakit daw pati patay eh ginagamit sa politics?"
CION: "Yes, yes yeow! Kaya nga HINDI nagseselos si Korina ke Leni, eh. Alam ni Korina na si Mar eh dating isang negosyante. Pero si Mar eh humantong sa pagiging politiko mula nang humalili siya bilang congressman, thru a special election, sa namatay niyang kapatid na si Gerardo Roxas Jr, o ha! Kung tutuusin kase eh ganito rin ang istorya-de-un-amor ni Sen Grace. O, tingnan mo, 'di ba namatay na rin si FPJ na taartits pero 'di politiko na ama ni Grace? Pero ang biological father daw ni Grace eh ang tatay ni Bongget?"
No comments:
Post a Comment