ANA: "Ginulantang ni Arthur Cruto, bagong hepe ng Makati City Action Center, batay sa nakalap nitong new EBIDENS mula sa 5 barangay, kaya nagkaHETOT-HETOT ang takbo ng sindikato ni Nognog re: pamimigay ng benepisyo sa mga PHANTOMS (multo) senior citizens na taga-Mkt, o, ha! Sa Senate BRsC hearing, eh iginigiit ni Ryan Barcelo, dating hepe ng Makati Social Welfare Dept (MSWD), na aboveboard at alaws PALUSOT kuno ang nasabing program. Pero sindikato raw ito, ayon naman ke Sen Alan. Ouch!"
LISA: "Hindi kayang itanggi ni Barcelo ang nadiskubreng anomalya ni Cruto mula sa 5 bgy na nagbahay-bahay sa 7,210 tirahan ng senior citizens doon. Biruin mong 41% ng bilang eh pawang mga ghosts pala at 'di rin sila Makati registered voters! Dahil sa pagtanggi ni Barcelo sa katotohanan ng isinumiteng report ni Cruto sa BRsC re; (siphoning off billions of pesos from the city treasury), eh tinanong ni BRsC chair Sen Koko kung papayag si Barcelo na sumama ke ghostbuster Cruto sa house-to-house inspection nito sa mga bgy."
CION: "Halatang NATULALA si Barcelo nang tanungin naman siya ni Sen Sonny, BAKIT sa kanyang personal account inindorso ang 15 checks mula sa PDAF ni TONGreswoman Ube Bulate. At first, eh bantulot itong sumagot. Pero maya-maya pa'y binanggit na meron nga raw YATA siyang tinanggap na mga tsekeng inindorso sa kanyang pangalan ni Ube. Pero 'di raw niya alam kung galing nga ito sa PDAF ni Ube Bulate? So, dahil ke Cruto eh luminaw ang mga SAPANTAHA na utak nga ng sindikato si Nognog! SEE?"
No comments:
Post a Comment