ANA: "Ang doktrinang separation of church and state ang dahilan daw ng INK na nilabag ni DoJS LdL, kaya inutusang magrali sa EDSA ang mga INAKAY-na-TUPA nila. Ito'y OMINOUS (masamang banta) laban sa Gov't! Gustong baluktutin ng INK ang definition ng ILLEGAL DETENTION porke nangyari sa loob daw ng sambahan ng INK ang crime, so hindi puedeng imbestigahan ng DoJ? If EBIDENS exists of the crime, the DOJ must prosecute the guilty to the fullest extent to meet the end of justice! O,'di ba?"
LISA: "Yes, yes yeow! "Yung ginawang illegal detention ke Isaias Samson Jr eh offensive (crime) against the 'people of the Phl' kase 'yan. Biruin mong ikinulong si Isaias, kasama ang asawa't anak, ng 9 days no'ng buwan ng Hulio sa kanilang sariling bahay. Incommunicado, kinumpiska ang mga pasaporte 'tsaka hindi tinantanan ng interogasyon sa utos ng INK hierarchy, sina: Glicerio Santos Jr, Rodel Cortez, Bienvenido Santiago Jr, Mathusalem Pareja, Rolando Esguerra, Erano Codera, Rodelio Cabrerra at Maximo Bularan."
CION: "Hindi ba ang me-ari ng INK eh si MANALOTO? Bakit 'di yata siya kasama sa iimbestigahan ng DoJ bilang mastermind, ha? Siya naman kase ang merong kapangyarihan bilang SUGO ng mga inakay-na-tupa, sa pamamagitan ng Sanggunian ng INK, para pakilusin ang mga anak-ng-tupa na magrali sa EDSA laban sa PNoy Gov't para TAKUTIN at 'wag ituloy ng DoJ na sampahan silang lahat ng kasong ILLEGAL DETENTION na walang piyansa? Hay, juice ko, walang kapararakan (NONSENSE) 'yan, Manaloto!!!"
No comments:
Post a Comment