ANA: "Asusmaryopes! Ngayon lang nangyari sa kasaysayan na INALMAHAN ng PINOY, partikular ang netizens, ang huMONEYtarian considerations para palayaing pansamantala si Tanda ng SC, batay sa NO LEGAL BASIS ng ponietang o ponenteng si aso justiis Lokong Beermanen. Ayon nga sa dissenting opinion ni Asso Justice Marvic Leonen: The special grant of bail, due to medical considerations, is UNIQUE, EXTRAORDINARY and EXCEPTIONAL (bukod-tangi, pambihira at 'di-pangkaraniwan)! Magkano???"
LISA: "Ang idinidiin nga ni Justice Leonen sa kanyang dissenting opinion eh walang legal basis daw ang huMONEYtarian considerations ni aso justiis Beermanen, neither in Rules of Court nor found in any provision of the Constitution, o ha! Kasamang umalma ni Leonen sina CJ Ma Lourdes Sereno, Sr Asso Justice Antonio Carpio at si Asso Justice Estela Perlas Bernabe. Nananawagan ang netizens na sampahan ng impeachment ang 8 aso justiis na sumang-ayon sa PERILOUS consideration ng ponietang si Beermanen!!!"
CION: "Huwag mo namang ihambing sa 8 asong nagtitiis ang grupo ni Beermanen, noh! Mas suwabeng pakinggan kung sa ingles - TRAITORS-IN-ROBE - o, 'di ba? Kase, they just made plunder bailable, isang MAPANGANIB (perilous) at inimbentong desisyon ni aso justiis Beermanen para lumayang pansamantala si Tanda mula sa kalaboso. So, awtomatikong magiging JURISPRUDENCE (sistema) na'to ng batas ang imbentong desisyon ni ponietang Beermanen? So, nakasisiguro na si Nognog na lalaya rin sa kaso niyang plunder?"
No comments:
Post a Comment