Monday, August 3, 2015

NOGNOG HITS DAANG MATUWID

ANA: "Nag-a la REPIKE (kalembang) ng batingaw ang bunganga ni Nognog sa kanyang tsona (pangangampanya) at muling ipinagsigawan sa harap ng mga estudyanteng 'di pa botante, habang kinokober ng media pipol na ang iba'y ac/dc, na manhid at palpak ang pamamalakad ni PNoy sa Gov't sa nakalipas na 5-taon, o, ha! Bihasang magtagni-tagni ng isyu si Nognog para 'di mabaling sa kanyang siya MISMO ang tunay na ISYU. Umiiwas siyang sagutin ang kasong PANDARAMBONG niya sa kaban-ng-bayan, see?"

LISA: "Ay sinabi mo. 'Yun kasing patong-patong na kaso laban sa Nognog dynasty (criminal & civil caseS), eh 'sangkaterba ang EBIDENS at hindi kayang PASUBALIAN (dissent) ng kanyang mga aboGAGOs-de-kililing sa Senado, Court of Appeals 'tsaka sa Ombudsman, peksman! So, nag-iimbento na lang ang mga factotums ni Nognog (SalGAGO at Mon NIlaga) para si Nognog eh ipaghanda ng SKIT (maikli at mapang-uyam na palabas) vs PNoy Gov't bilang PRETEXT (a false reason concealing the real reason). O, getz mo?"

CION: "Kumbaga sa forecast ng PAGASA, eh nahihiwatigan na ng Nognog camp ang paparating na UNOS (warrant of arrests) na tiyak namang isisilbi anytime laban sa buong Nognog dynasty, et al ng OMB na walang piyansa! So, malinaw na WALA nang pag-asa pang maisasalba ng kahit ano pang TSONA (SKIT) ang gagawin ni Nognog para lamang mailayo ang tunay na ISYU laban sa kanya sa pamamagitan ng walang patumanggang PAGLIBAK laban sa  PNoy Adm, eh WA EPEK na'to sa publiko, noh! KURAP!!!"

No comments:

Post a Comment