STRATEGY or sTRAGEDY?
Mistulang naWOW MALI ang mahigit 16 milyong bomoto ke Digong, partikular ang mga millenials.
Sinampolang hakutin sa presinto ng pulis ang mga ang-iinuman sa tabi ng mga lansangan, hinuli ang mga kabataang nagko-computer dahil sa curfew.
Ngunit SISIW lang ito kumpara noong martial law na kailanma'y 'di nila naranasan sa tanang-buhay nila, porke hindi pa sila ipinapanganak noon, 'di ba?
Hindi pa man nakakaupo si Digong bilang pangulo o panggulo? eh, nagpapamalas na ng KAMAY-NA-BAKAL a la diktador na kumukumpas sa sintunadong oskestra (Pulis at IPISyal ng Bgy).
Matapang na mga pahayag ang laging lumalabas na kanyang bibig na pulos unpresidentiable dahil sa taliwas sa GMRC porke medyo-bastos.
Ngunit ang istratiheyang ito ni Digong eh isang karuwagan o DUWAG na paninindigan! Bakit?
Ipinapauna niyang hindi siya maninirahan sa Malakanyang bilang presidente kundi uuwi siya ARAW-ARAW sa Davao City para doon matutulog sa bahay nila ni Honeylet?
Isa lang ang nakikita naming dahilan kung bakit, TAKOT tumira si Digong sa Malakanyang, kase, baka magPEOPLE POWER ang 16 milyong BOBOtantes na nagluklok sa kanya o mag-KUDETA ang AFP laban sa kanya???