ANA: "Batay sa research ni Sir Leo, si St. Peter pala eh nanungkulan bilang kauna-unahang Pope mula AD 42 hanggang AD 66 at si Jesus Christ ang nag-appoint sa kanya porke wala pa noon ang CONCLAVE, 'lammoyon?"
LISA: "Bukod sa 263 bilang ng tunay na naging popes mula kay San Pedro hanggang sa kasalukuyang si Pope Benedict XVI, eh meron ding 36 ANTIPOPES, kabilang si Benedict XIII noong AD 1394, ayon sa Pontifical Yearbook."
CION: "Si Pope Gregory XII ang ika-202 pope at nanungkulan mula AD 1406 hanggang AD 1417, kung kailan eh (nagbitiw daw?) at pinalitan siya ni Pope Martin V. Samantala, ang tunay at duly recognized na si Pope Benedict XIII eh nanungkulan bilang ika-242 papa mula AD 1724 hanggang noong mamatay siya AD 1730 at pumalit sa kanya si Pope Clement XII, ayon sa World Book Encyclopedia, Volume 15, 1973 Edition pp. 588-589."
No comments:
Post a Comment