Thursday, February 28, 2013

SENATE INVESTIGATES OINK-OINK

ANA: "Lumolobo ang uhog ni Jinggoy sa galit porke hindi n'ya alam na peke raw pala, ayon sa COA, ang ZREC at PFI na recipient ng milyong-milyong PDAF mula sa kanya, kay JPE at kay Bong bilang mga senaTONG, 'lamoyon?"

LISA: "Eh mas todo-todo naman ang palusot ni senatong Bong, kasi, pati mga Muslim na taga-Basilan idinaramay niya sa kanyang kagaguhan porke sa kanila umano niya ipinamudmod ang kanyang PDAF, hay grabe!!!"

CION: "Handa raw na magpadala ng mga testigo ang executive branch, sabi ni Lacierda, sa hirit ni Jinggoy na magsagawa ng imbestigasyon ang Senado. Pero hindi malinaw kung sino ang iimbestigahan, ang COA na nagbulgar ng anomalya o sina senaTONG JPE, Jinggoy at Bong?"

No comments:

Post a Comment