ANA: "Oy, 'lamobang merong nakahandang sagot ang tatlong mandurugas na senadores hinggil sa pandarambong nila sa kanilang sariling PDAF?"
LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga, ang gleng-gleng mo. Palibhasa'y panahon ngayon ng pangangampanya para sa midterm-elections, eh malamang na ang sasabihin ng tatlong senadores eh, as usual, POLITICALLY MOTIVATED ang banat sa kanila ng COA, at idadawit na kaalam din si PNoy, o, 'di ba?"
CION: "Kaya nga ang yabang pa ng dating ni Jinggoy porke ipa-iimbestiga raw niya mismo ang panghaharbat niya sa kanyang sariling PDAF. Gasgas na sa publiko ang palusot na 'yan. Kanino niya paiimbestigahan, sa Senado?"
No comments:
Post a Comment