Friday, February 15, 2013

THE GREAT SCHISM OF THE WEST

Ang 1300 siglo ay itinuturing na pinakamagusot sa kasaysayan ng Papacy. Nuong 1305 ay iniluklok na pope si Clement V, isang French archbishop, sa impluwensiya ni King Philip ng France, at pinutungan ng korona sa Lyon, France.

Inilipat ni Clement V ang papal court sa Avignon mula sa Rome noong 1309 at nagtalaga ng mga cardinal na pawang French national.

Ang papacy ay nanatili sa France sa loob ng panunungkulan ng pitong (7) papa na pawang mga antipopes!!!

Ang nabanggit na panahon ay ang tinaguriang "the seventy year's captivity" kasi, pawang mga taga-France ang sadyang-piniling magkakasunod na papa.

Noong 1377 ay pinutol ni Pope Gregory XI ang "captivity" nang ibalik ng papa ang papal throne sa Roma mula sa Avignon.

Nang sumunod na taon, 1378, ay namatay ni Gregory XI at pinili ng mga cardinal si Urban VI bilang papa na kahalili ng una.

Pero binawi rin kaagad ng mga cardinal ang pagkakahirang nila kay Urban VI porke may halong pamimilit lamang daw ito sa kanila.

Kaya, muling nagsagawa ng eleksiyon sa papacy, at sa pagkakataong ito'y isang French cardinal ang iniluklok na papa, si Clement VII, na kakampi ng mga bansang France at Spain.

Pero nananatiling si Urban VI ang kinikilalang pope ng mga bansang Italy, Germany at lahat ng Northern Europe maliban sa Scotland.

Ang magkaribal na ito sa korona ng papacy ang nagsilbing dagok upang muling mahati ang simbahan.

Ito ang tinaguriang THE GREAT SCHISM OF THE WEST!!!

ANA: "Oy, 'lamobang tumagal ng 40 years ang the great schism of the west, kasi, dalawang papa ang sabay na nakaupo sa iisang trono?"

LISA: "Si Clement VII (1378) eh antipope, samantalang si Urban VI eh tunay at pang-199th sa papacy mula 1378 hanggang 1389, sure ako, o, bet?"

CION: "O, sige na. Matalino ka tulad ko, noh?"








No comments:

Post a Comment