Friday, February 1, 2013

SYNDICATED ESTAFA, WALANG PIYANSA

Personal akong nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI), sa mismong opisina ni Director Nonnatus Caesar Rojas, noong December 11, 2012 upang idulog ang kasong land grabbing laban sa DB Global Opportunities, a.k.a. BALIKATAN or Bahay-Financial or BFS.

Si Agent Alexander Tan ang umasiste at tumanggap sa aking 104-page documentary evidence for investigation, ganap na 12:15 ng tanghali, para sa posibleng pagsasampa ng Syndicated Estafa case vs BALIKATAN, Register of Deeds-Binangonan, RTC-Antipolo, Taytay Treasurer's and Assessor's Offices.

Noong December 19, 2012 ay nakausap ko sa telepono 523-8231 loc. 3519 / optr. 0, ang assigned officer-on-case, NBI Agent Madz Armada, 10:45 AM. Kinumpirma niyang katatanggap pa lang niya ang mga dokumento at babasahin pa lamang niya ito at pag-aaralan.

Ako'y muling nagtungo sa NBI, 10:00 AM ng January 4, 2013 sa opisina ng CRID at DDROS, batay sa advise sa akin ni Agent Tan, upang i-formalize ko ang aking reklamo bilang COMPLAINANT at hindi lamang bilang isang witness na una kong idinulog. Ginawa ang proseso sa CRID sa pamamagitan ng aking swearing-in o panunumpa sa harap ng chief of CRID bilang nag-iisang complainant vs Federico Cadiz, Jr., et.al., BALIKATAN Vice President, for SYNDICATED ESTAFA at matapos ko itong mapirmahan, ito'y kagyat na ginawan ng e-transmittal from CRID to NCR.

Finally, ay nagkita kami ng personal ng officer-on-case, NBI Agent Madz Armada, nang sadyain ko siya sa kanyang tanggapan sa NCR noong January 22, 2013. Nag-usap kami ng masinsinan re: administrative aspect of the case at nagkasundo kaming uunahin niyang iimbestigahan ang nasabing aspeto upang aniya'y makapangalap pa ng karagdagang documentary evidence, na magdiriin pang lalo sa criminal aspect ng kaso laban sa sindikato.

Base pa rin sa payo ni Agent Armada, ako'y nagsadya na RD-Binangonan noong umaga ng January 23, 2013, kay Atty. Hilarion Cerna Mogello, Jr., ang Deputy Register of Deeds. Kinumusta ko sa kanya kung ano na ang development, kung meron man, ng aking adverse claim filed with them para sa dalawa kong properties sa Palmera Hills IIE Subd., Taytay, Rizal, under EPEB No. 2012008124 dated 9/5/12  14:15 and EPEB No. 2012008819 dated 9/26/12  11:14, na kapwa naunang DENIED by Examiner Ms. Mila Buhay. Ang mga denial na ito ng RD-Binangonan ang dahilan kung bakit ang aking adverse claims ay kapwa isinailalim sa EN CONSULTA with a fee of Php 180 each collected from me, under OR# 1003788432 on Oct.17, 2012 and under OR# 1003791488 on Nov. 7, 2012, respectively.   

Noon kasing December 22, 2012 ay meron dumating sa akin na dalawang identical registered mail, each with a return card on it, at kapwa addressed sa "_The Register of Deeds_Binangonan, Rizal_" (sic) ngunit copy furnished ako. Ipinakita ko kay Atty. Mogello ang mga naturang identical letters with P.O. registry numbers 412 and 413, respectively. Kapagdaka'y ipinahalungkat ni Atty. Mogello sa kanilang records ang original copy ng letter, kung meron. WALA!

Ganito ang nilalaman ng identical letters both dated November 16, 2012 mula kay Atty. Joseph S. Dimayacan, Chief, Clerks of Court Division, Land Registration Administration (LRA), Quezon City which
were signed by Attorney 1 Roel L. Bilog, viz;

     "This refers to the letter / indorsements dated_November 7, 2012_Register of Deeds Of_Binangonan, Rizal_treating the appeal "en Consulta" which you filed in the latters registry.
     Anent thereto, please submit to these office the following lacking documents for us to treat this Case as Consulta case for docketing purposes;" (italics mine).

Kasunod nito ay ang list of 7 lacking documents. Markado ng ekis ang item 7 (No Appeal Letter) ang umano'y kulang na dokumento na dapat kong isumite upang payagan ng RD na mai-rehistro ang adverse claim ng aking dalawang properties. 

Mapapansin na ang identical letters na sabay dumating sa akin noong December 22, 2012 at pinirmahan ko ang P.O. stamped return cards ng Taytay Post Office, ay kapwa nagtataglay ng kakaibang istilo ng isang formal-letter. Porke, meron kasi itong mga symbol 'gaya ng dash. Ano ang ibig sabihin ng mga simbolong ito na tila nais iparating ng lihim ng LRA sa RD-Binangonan? Para kaya ito sa damage control?

In fairness, si Atty. Mogello mismo ang nangumbinsi sa akin para mag-file ako sa kanila (RD-Binangonan) ng Appeal Letter na hinihingi ng LRA at sila na umano ang bahalang magdadala sa LRA, officially. Tunay na inasistihan ako ni Atty. Mogello sa preparasyon ng aking Appeal Letter at natapos namin ito 'saktong ika-12 ng tanghali, January 23, 2013. Kaharap mismo ako ng ihabilin ni Atty. Mogello sa Receiving Clerk, a female, na ipadala nito sa hapon ding yaon, a Wednesday, sa LRA ang nasabing Appeal Letter.

HINDI NATANGGAP NG LRA ANG AKING APPEAL LETTER BATAY SA LOGBOOK NG CENTRAL RECORDS SECTION NANG I-VERIFY KO ITO NOONG JANUARY 30, 2013 16:16.

ANA: "Oy, 'lamobang napatunayan mismo ni Sir Leo na tunay ngang kumikilos ang a la Delfin Lee land grabbing syndicate sa mismong Central Records Section ng LRA under its chief, Norilyn T. Tomas?"

LISA: "Ay, sinabi mo. Sadyang iwinawala ang mga dokumento ng more than 52,000 adverse possession claimants of land under Section 70, PD 1529 ng Central Records Section ng LRA upang malayang ma-land grab ng BALIKATAN ang mahigit 52,000 adverse claimant victims nationwide, kabilang si Sir Leo."

CION: "Tinangkang magsumbong noong umaga ng January 30, 2013 ni Sir Leo direkta kay LRA Administrator Eulalio C. Diaz III hinggil sa talamak na land grabbing syndicate sangkot ang mga tauhan nito, pero, tigas ng katatanggi ng Administrative Officer nitong si Ma'am Rhesa. Pinagbutas ng silya hanggang alas-4 ng hapon si Sir Leo pero bigo ring makausap si Administrator Diaz. Kasangkot din kaya si Ma'am Rhesa sa land grabbing syndicate?"

Email sent for: HIS EXCELLENCY BENIGNO S. AQUINO III

Email forwarded to:
1. Secretary Leila de Lima
    Department of Justice
2. Administrator Eulalio C. Diaz III
    Land Registration Administration



No comments:

Post a Comment