Monday, February 11, 2013

AMBUSH CLAIM DEFIES LOGIC - MONTANO

ANA: "Sabi ni ex-Chief PC-INP, Genaral Ramon Montano na (ambush-me) ang isinagawa ni JPE sa kanyang sarile noong Sept 22, 1972 sa Mandaluyong para i-justify sa Pinoy ni Strongman Marcos kung bakit isinailalim nito sa martial law ang Phl noong Sept 21, 1972."

LISA: "May mali sa script nina actors Strongman at JPE porke bakit naunang ibinaba ang martial law no'ng Sept 21 kesa ambush ni JPE na gagawing dahilan para ibaba ang martial law? Nauna ang kalesa kesa kabayo?"

CION: "Hindi lang 'yon. Nu'ng ratratin a la Marantan style ang sasakyan ni JPE eh hindi man lang ito nadaplisan o nagurlisan ng bala mula sa M-16s / M-14s assault rifles, batay sa imbestigasyon ni General Montano, eh lubha talagang KATAKATAKA, o, 'di ba?"

No comments:

Post a Comment