Saturday, February 9, 2013

GA'NO BA KATINDI SA BOTANTE ANG NAME RECALL?

ANA: "Medyo nalilito si Randy David ng PDI porke ano raw ba ang dahilan kung bakit pumaimbulog ng todo-todo sa Senatorial Pulse Asia survey ang anak ni Veep Jojo Binay na si Nancy. Dahil sa makapal-na-sobre o dahil sa name recall?"

LISA: "Para sa akin, same-same!!! Ibig sabihin, name recall plus makapal-na-sobre, equals (boto ko sa'yo). Ang mga botanteng ito na isinailalim sa survey eh nasa edad 18 - 35 at kabilang sa kategoryang C, D & E 'tsaka majority nito'y unschooled."

CION: "Tumpak ka r'yan, 'day. Ang mga botanteng ito'y itinuturing na mga kabisote ng mga kandidatong angkan ng mga political dynasty at merong name recall 'gaya ng Angara, Enrile, Binay, Estrada na unang-una sa name recall at merong makakapal-na-sobreng pampamudmod." 

No comments:

Post a Comment