Wednesday, February 26, 2014

A CODE OF SILENCE AND TOLERANCE

ANA: "Ang title ng kolum ngayon ni Sir Randy David, The Anatomy of Corruption, eh HINDI RAW LINGID sa kaalaman ng senators and congressmen, mga dati man o kasalukuyang nanunungkulan, dahil lahat daw halos sila, maliban kina exSens Ping Lacson at Joker Arroyo, eh siento-porsiento umanong sumawsaw sa pagbulsa ng kanilang sariling PDAF, peksman!!!"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga. Sa katunayan nga eh 'yung mga onorabol mismo ang nagi-imbento raw ng opis para gawin nilang pork barrel conduits, tulad ng ITONAMI Foundation at KAPUSO'T KAPAMILYA Foundation bilang attached agencies kuno ng DENR, o, biruin mo 'yon?"

CION: "So, pawang eksperto pala sa ispeling ng teks sa selfon 'yung mga onorabol noh? Ang ibig-sabihin kase ng ITONAMI (Interactive Training Opportunity on Needs Alleviation Movements Inc) in text language eh (I'm here), samantalang 'yung Kapuso at Kapamilya eh description o paglalarawan sa 2 malalaking TV networks. Hay juice koh, Tang inumin n'yong onorabol kayoooo!!!"

No comments:

Post a Comment