Saturday, February 1, 2014

NARDONG PUTIK LINKED TO PORK SCAM

ANA: "Sabi ko na nga ba eh. 'Wag na sanang magtuTUNGAYAW pa 'tong si Sen Amazing Kap, kase, 'di lang ang kanyang amang si Nardong Putik ang madadamay sa kanyang kaIPOKRITOHAN kundi maging ang kanyang kongresistang asawa at anak na bise gobernador eh sisilipan para idamay din sa kanyang kaUNGASAN, 'di ba?"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga. Kasi nga, napakaIMPERTINENTE nang mga naunang pahayag ni Amazing Kap na PINEKE umano ang lahat ng kanyang pirma sa mga inihaing dokumento laban sa kanyang pandaramBONG ng halos kalahating BILYONG piso! Biruin mo 'yon?"

CION: "Precisely. Sa kagustuhang makawala sa kinasasadlakang KUMUNOY dahil sa kanyang MAPUROL na privilege SPIT eh tiyak na maisasalang na rin sa imbestigasyon ang kanyang dati ring senaTONG na ama for plunder, bukod pa sa kanyang abogagong aso, dahil sa paglutang ng mga pirmadong 2003-2004 dokumento ni Nardong Putik na nag-uugnay sa SABSABAN ni Janet Lim-Napoles."

No comments:

Post a Comment