ANA: "Susmaryopes, an'laking balita ba't nasa inside page? Sentensiyado kahapon ng SandiganBayan ang siyam (9) na Saranggani Provincial Board members ng LIFE TERM dahil sa pandarambong a la PDAF scam na istilo ni Janet Lim-Napoles after 11 years ng pagdinig! Nabasa moba'to sa PDI?"
LISA: "Oo nga 'ga. Pero ba't 'di man lamang binigyan ng halaga ng PDI ang istoryang ito ng correspondent nilang si Aquiles Zonio na tiyak sanang GIGIMBAL sa publiko, partikular sa mga onorabol na kasalukuyang nakasalang sa Ombudsman ang kasong PANDARAMBONG? Kase, parang KINOPYA lang pala ni Janet ang modus-operandi ng Saranggani CDF scam, porke, the facts of the case are nearly identical, 'lamo'yon?"
CION: "Yes, yes, yow. Dalawang bagay lang kasi kung magkANO ang dahilan nito; una, tiyak na merong pinoprotektahang mga onorabol na sangkot sa PDAF scam ni Janet ang PDI; at ikalawa, ayaw nilang matabunan ang mga sikat nilang reporter na naSCOOPan sila ng isang Provincial correspondent LAMANG na si Aquiles Zonio ng PDI, o, 'di ba? Amininnn!!!"
No comments:
Post a Comment