ANA: "Oy, agree ako sa panukalang batas na ANTI-PASAWAY, peksman. Dapat na isama sa bill na 'yan para gawing krimen ang maingay na tambutso ng motorsiklo na sobrang nakakaistorbo sa publiko!"
LISA: "Para sa'ken, 'di baleng naka-open muffler ang motorsiklo o tricycle at talagang istorbo sa ingay pero HINDI HUHULIHIN, sa isang kondisyon. Kailangang NAKATUTOK ang dumadagundong na tambutso ng motorsiklo sa mukha ng rider. Perfect!!!"
CION: "Nakaugalian na kase ng Pinoy 'yang KAYABANGAN na 'yan sa pagmomotorsiklo eh. Ayon ke Sir Leo, na isang antigong rider ng mga big bikes, kinakabitan lang umano ng open muffler sa race tracks ang isang dirt bike kung isasali ito sa karera ng motocross o flat track. O, maliwanag?"
No comments:
Post a Comment