Monday, February 10, 2014

JPE, JUNGGOY TO STEER CLEAR OF RUBY TUASON AT SENATE HEARING

ANA: "O, bakit tila nawala ang yagbols nina onorabol JPE at Junggoy porke parehong ayaw dumalo sa ipinatawag na hearing sa Senado sa Huebes. Sa Korte na lang daw sila haharap para sasagutin kung ano man ang sasabihin daw ni Ruby Tuason laban sa kanila. Hay naku, namumuro na naman ang SALAMANGKA ni JPE para magpalusot noh?"

LISA: "Ay sinabi mo. Pulos deny - o DINAYang mga pahayag ang maririnig ngayon kina Junggoy at JPE, eh kase, gumagawa pa sila ng research para kapani-paniwala ang ilalabas nilang PRETEXT bilang sagot kung ano man ang KATOTOHANANG ibubulgar sa hearing ni Ruby Tuason, peksman!!!"

CION: "Kung matinding sumasakit ngayon ang ulo nina JPE at Junggoy dahil sa paglantad ni Ruby Tuason under WPP laban sa kanila, eh asahan mong lulubha pa'to kapag lumantad na rin si Ma'm Gigi Reyes na isasailalim din sa WPP vs JPE et al. So, bilang legal remedy, magpapa-ospital sina JPE at Junggoy dahil sa MIGRAINE para 'di sila masilbihan ng warrant for their arrests, T'YAK 'YON!!!"      

No comments:

Post a Comment