ANA: "O kitam? Sabi nang tatanggi si Sen Bonget Marcos na tumanggap siya ng P100M bilang SUHOL para bumotong patalsikin si exCJ Crown noong impeachment trial, kase, maliwanag naman daw na bumoto siya para manatili ang dating CJ bilang chief justice ng SC, o, hah!"
LISA: "Eh 'yun na nga ang mismong argumento ni Sen Brenda na lahat, as in LAHAT ng senaTONG (kasama siya?) are notorious for fickleness of mind. Ibig sabihin eh walang ipupuera, kasi nga eh mga SALAWAHAN lahat-lahat sila - sabi mismo niya, peksman."
CION: "Oke, oke. Kung itinatanggi ni Sen Bonget na tumanggap siya ng P100M suhol mula sa DAP, sana eh magpahayag din ULI ng pagtanggi ang tatlo pang kasabay ni Bonget na tumanggap din UMANO ng suhol mula sa DAP na 'gaya niya; sina onorabol Asiong Salonga Jr, Tito Sen, 'tsaka si Amazing Kap. O sige, ilabas ang ebidensiya at huwag puro tanggi - mga tanggero!!!"
No comments:
Post a Comment